Lesson 51

20.3K 306 45
                                    

Albert Leo

Nagising ako ng maramdaman kong umaga ang kama ko at may malikot na nagpupumilit na pumasok sa ilalim ng braso ko, ‘o sa madaling salita mayakap ko.’

“sef, ano ginagawa mo?” ma-antok antok na tanong ko.

“sef? Diba ‘boo’ ang tawag mo sa akin?” tampong sagot nito habang patuloy pa din ito sa pagsiksik.

Ang cute niya, para siyang bata.

Bahagyang inangat ko yung braso ko para tuluyan na siyang makahiga at mayakap ko din.

“hmm.. Nangtampo na agad .”

“hindi no!” nakangiti sambit nito.

Nakahiga si sef habang ako naman ay nakatagilid at amoy na amoy ko naman ang kanyang mabangong buhok.

Ang sarap lang sa pakiramdam na may sobrang kung manglambing sayo.

“leo?”

“mmm?”

“naistorbo ba kita?”

“hindi. At kahit kailan hindi ka naging istorbo sa akin.”pakit mata na sagot ko sakanya at patuloy pa din ako sa pagamoy sa buhok niya.

“ahh...”

“leo?”

“mm?” mukhang maganda ang gising ng ‘boo’ ko ah?

“bakit naka sando o t-shirt kana kung matulog? Diba dati naka boxer ka lang naman.” Napadilat ako agad sa tanong niya.

Pati pala iyon napansin din niya.

“kasi po, bigla bigla ka nalang po pumapasok sa kwarto ko dati at katulad ngayon. Pero alam mo dati, naka-underwear lang ako. Gusto mo ba makita?” nakangisi na tanong ko sa kanya.

Benelatan lang niya ako bilang sagot kasabay ng pagngiti niya. Pumikit ako at bahagyang hinigpitan ko ang pagyakap ko sa kanya.

Nakakarelax talaga kapag ang katabi mo ay yung taong mahal mo.

“leo.”

“mm?”

“wala lang.” Kunot noo ako na padilat ulit at tumingin sa kanya.

“may gusto ka bang sabihin?” kung kanina nakahilata ito na higa ngayon naman ay tumagilid ito ng higa  dahilan na magkaharapan kami.

“leo punta tayo moa ngayon.”

“bakit?” takang tanong ko.

“gusto ko lang lumabas-“ napatigil ito magsalita at may parang may kinakapa ito mula sa likod ata niya. “ at dahil dito!” ipinakita niya sa akin yung isang flayers dahilan na matakpan yung mukha niya.

Contest?

“ano naman ang gagawin natin dyan?”

“sasali tayo.” Ngiting sagot niya kasabay ng pagtanggal ng flayers nito sa mukha.

“grand opening ng cake shop, may games at price din.” Masiglang sagot niya.

“cake shop? Ipapagawa nalang kita kay tanda ng cake.”

“ii... Ayaw ko. Sa hindi naman sinasabi ko na hindi masarap si lolo en gumawa ng cake. Pero gusto ko talaga iyon. Please punta na tayo. Gusto ko mukha yung special cake na sinasabi nila.”

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon