Lesson 2

42.1K 590 13
                                    

Two

"Sorry Sir I'm late!" Pagpaumanhin ko sa kanila habang naka peace sign pa ako.

Rinig ko ang mga bulungan ng mga mababait kong classmate ito ang mahirap lalo na kung transferee student ka lang dito, hindi pa nagsisimula school life mo may  "issue" Kana agad.

Nahiya pa kayo classmate mic gusto ninyo?

"Hi ako nga pala ang bagong lipat sa school na ito, seferina Sophia Dela Vega legal age I hope na magkasundo ko kayo lahat." Sabay wide ng braso't kamay ko animo'y lahat sila ay yayakapin ko.

Lumingon ako kung saan naka-tayo si leo na hindi mawari kung ano ang ire- react niya sa grand entrance na ginawa ko sa oras nang klase nito

Epic. Pero ang gwapo talaga ng fiancé ko.

Inhale. Exhale. Kalma seferina ang laway?

Matalik na magkaibigan si lolo at lolo enrique, pero hanggang ngayon wala  pa din akong idea kung bakit kaming dalawa ni leo ang pinagkasundo. Akala sa mga movie lang nangyayari ang mga ganito pwede din pala sa totoong buhay at hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala.

Kaya ito nagkaroon kami ni leo ng future, may jowa ako ngayon!

Sa totoo lang kung titignan ko talaga parang binugaw ako nang sarili kong lolo pero okay lang, ito yung bugaw na pumabor saakin sobrang nagpupugay ang puso ko ngayon kung dati crush crush lang pero ngayon fiance na. Shacks! Minsan lang yung mga ganitong blessing kaya dapat grab agad.

Ngumiti ako sakanya nang magkatinginan kami.

***

Albert Leo

Yung magsisimula palang sana ako mag discuss ng may bigla nalang pumasok at walang pakundangan na nagsalita. Well humingi naman siya ng sorry dahil late nga siya pero ang nakakainis hindi man lang muna ito kumatok o kahit pinagsalita man lang ako hi hello.

Kung titignan mo siya wala sa itsura niya yung pagka-armalite ng bigbig at magaslaw ng kilos dahil na din siguro sa sobrang amo at inosente ng mukhang niya kaya hindi ko maiwasan ang magulat sa nakikita ko.

Parang familiar siya saakin.

Pinagmamasdan ko lang siyang lumakad papunta sa may bakanteng upuan bandang bintana nakakaamaze siya na din talaga na ang nagdesisyon kung saan ito uupo hindi man lang nagabalang tinanungin ako kung pwde ba siya doon.

Bumuntong hininga nalang ako at naisipan ituloy nalang ang klase ko Dagdag nang sakit ng ulo naman to. Pabulong na sabi ko sa sarili ko at napailing-iling nalang.

"Class dismiss"

Tinapos ko na yung klase ko para makapag-break at mapag-handa na sila sa next subject, inaayos ko nalang din ang mga gamit ko kasabay nun ang pagalis ko sa classroom. Habang lumalakad ako sa corridor ramdam kong may sumusunod sa akin at sa peripheral vision ko tingin ko isa siya sa mga estudyante ko.

Nang mapagtanto ko kung sino ito huminto ako mula sa paglalakad ko at biglang humarap sakanya.

"Yes Ms. Dela vega, may problema ba?"

"A-ah wala naman po." I nod.

"Okay. Akala ko may itatanong ka regarding sa lesson natin kanina, sige mauna ako sayo don't hesitate to ask me okay. See you around Ms. Dela vega."

Papatalikod na sana ako ng matigilan ako nang ilang segundo dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.

Wait Close ba kami?

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon