Lesson 10

22K 319 0
                                    

Ten

"Leo! Leo naman eh!" Tawag ko sa kanya.

Nakakapikon na.

Kanina ko pa siya kinukulit at sinusundan habang paikot ikot kami dito sa sala.

Bwisit!

Hindi naman ako nakikipaglaro sa kanya pero pahabol ng pahabol naman to, tapos ang hirap din pakiusapin pipirmahan lang niya yung waiver ko para makasama na ako sa school outing namin nextweek hindi pa magawa.

Nakakainis at the same time nagtataka ako kung bakit kailangan pa si leo pa ang pipirma sa waiver ko kung tutuusin hindi naman siya legal guardian ko saka kapag nalaman pa ng school iyon de, issue naman. Kaso yung magaling kong lolo ang may pakana naman nito sila daw ang bahala.

Tumawag pa yung secretary niya sa akin para sabihin lang na hindi daw ako papayagan ni Mr. Dela vega na sumama sa school outing kung hindi niya makikita yung pirma ni Mr. Celedonio sa waiver ko.

Bwisit na lalaki to! Ang arte pa kasi ayaw nalang pumirma pa hindi ko naman siya masisi pero gusto ko talaga sumama kasi.

Hindi na makatarungan. Asar!

"Leo naman please! Pirmahan mo nalang kasi to para payagan ako ni lolo na sumama." Matching puppy eyes habang iniwa-wagaway ko yung papel.

Bakit naman kasi pinanganak to na masyadong maarte, nakakainis ang arte-arte daig pa yung babae may dalawa.

"Bakit ba ako yung kinukulit mo dyan? Sumama ka kung gusto mo hindi muna kailangan ng pirma ko dyan." Iritang pahayag nito.

Nako kung pwede lang. De sana hindi nakita kinukulit kung minsan tagala itong lalaki nato may pagkatanga din.

"Kasi nga, gusto makita ni lolo na may pirma ka dito sa papel nato." Sabay taas ko sa papel na hawak ko. "Para daw katunayan na pumayag ka na sumama ako kaya please leo please pirmahan muna to." Pagmamakaawa ko.

***

Albert Leo

Naiirata talaga ako bakit ba kasi ako yung kailangan pumirma dyan, hindi ko maintindihan. Hindi ko na nga din siya pinapapansin at lumalayo na nga ako nang maramdaman niya ayaw ko siyang kausap.

Managis ka!

Hindi ko siya pinapasin kahit tatlong beses na ako lumilipat ng puwesto habang pilit kong tinatapos yung report ko na one week nalang pasahan na dahil mare-release na ng grades, gustong gusto ko na sanang tapusin to kaso nawalan na akong gana na pakakulit ni seferina.

Haaay Nakoo!

"Bakit ba ako yung kinukulit mo? Kung gusto mo sumama- sumama ka. Hindi ko na kailangan pirmahan yang waiver mo dahil hindi naman ako ang legal guardian mo talaga." Iritang paliwanag ko.

Ilang beses ko na sinasabi sa kanya paulit ulit na hindi ako dapat pumirma sa papel na yan. Hindi ba niya naisip na kapag pinirmahan ko yan malalaman na nang school, de magsisimula na magkaissue malamang sa malamang ang kakalat agad yan may relasyon na kami at parehas  kaming maiipit dalawa ni seferina. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa ginagawa ko hindi ko matapos tapos.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon