Lesson 45

16.2K 312 6
                                    

"Sef wait lang." Paghabol ko sa kanya.

"Sef naman ano ba?!" Sabay hatak ko sa braso niya.

Andito kami ngayon sa basement ng condo ko, napagdisisyon ko na huwag nalang muna kami pumasok at umuwi nalang at pumayag din naman si ma'am annabelle doon para makapagusap daw kami ni sef ng maayos.

Tumigil siya paglalakad at limingon ito paharap sa akin.

"Le...leo bakit ka pumayag?" Mautal-utal na sabi niya.

"Sef dahil ito ang makakabuti."malumay na sabi ko sa kanya kasabay ng paghawak ko sa dalawang kamay niya.

"Makakabuti? Hindi leo, pakiramdam ko ang sama-sama ko at ang selfish selfish ko sayo! Alam mo tingin ko tama ka eh, tama ka noon palang na ako lang ang sisira sayo. Sisinira ko yung mga plano at yung pangrap mo. Leo ang sakit." Aniya niya kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko.

"Sef hindi, hindi ganun. At mas lalong hindi ako nagsisi na mas ikaw ang pinili ko sef naman-" frustrated na giit ko kasabay ng pagbawi ko ulit ng kamay niya. "Babe listen to me please. maraming mangyayaring hindi maganda at marami din ang madadamay kapag ipinagpatuloy ko pa din manatili doon." Umiling siya sa paliwanag ko.

"Leo lolo ko ang may-ari ng school kaya niyang gawan ng paaran iyon, at kung masyado na talaga komplekado- leo ako nalang mismo ang aalis sa school huwag lang ikaw, huwag lang yung sisirain mo yung mga pangarap mo ng dahil lang sa akin."akmang aalis na siyang ng bigla ko nalang siya hatakin palapit sa akin para yakap ito.

"Sef please makinig ka sa akin. Oo binitawan ko ang pagiging guro pero hindi naman ibig sabihin nun ititigil ko na din ang pagtuturo ko. Mahal kita kaya ikaw lang mas inuna ko at pinili ko kaya huwag na huwag mo sisihin ang sarili mo ng dahil lang sa ginawa kong desisyon. seferina ito ang tandaan mo napakaraming school dyan na na maaring pasukan ko pero ikaw, ikaw lang ang nagiisa para sa akin kaya mas lalong hindi ako makakapayag na ikaw ang mawawala."mahabang paliwanag ko.

Kumalas ako sa pagyakap ko sa kanya at hinawakan ko ang mukha niya para punasan ang mga luha sa pisngi niya.

"Babe please huwag na natin ito pagawayan pa. Isipin mo nalang na mas okay to hindi ba? Kasi araw-araw nakita mahahatid sundo ng hindi mo na kailangan bumababa ng kotse parang magtago at hindi na natin kailangan pa magpanggap. Diba mas okay ito na malaya tayong dalawa." Sabay ng ngiti ko sa kanya. "Ngumiti kana din please." Kasabay ng pagtap ko sa ilong niya.

"So...sorry leo."mahinang giit niya kasabay ng pagngiti nito.

Ngumiti ako at inakbayan siya."iloveyou too. Tara na pasok na tayo."

~*~

"Oh apo napatawag ka? Namis mo ba ang lolo mo ah?"

"Tss.. Tumigil ka nga tanda."

"Imissyou too." Maharot na sabi niya sa phone kasabay ng pahalakhak niya.

"Ano ba tanda umayos ka nga, minsan na nga lang ako tatawag nanggagaso ka pa eh." Iritang sabi ko sa kanya.

"Oo na oo na, bakit kaba napatawag leo? Oh! By the way kamusta naman kayo ni seferina Inaalagan mo ba nga maayos yan? Okay na ba kayo? Ano nakapuntos kanaba? Ano may nabuo na kaya napatawag ka ah?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Alam mo tanda babaan kita talaga ng phone kapag hindi ka pa tumigil dyan sa kakatalak mo."

"Soweee apo, bakit ka ba napatawag?"napabuntong hininga nalang ako.

Wala hindi na talaga titino ang lolo kong ito. Tss.

"Itatanong ko lang kung kailan uuwi yung lolo ni sef?"

"Sa makalawa, bakit mo naman naitanong apo?"

"Tanda hindi ba pde bukas o sa isang bukas nalang natin gawin yung engagement party?" Mahiya-hiyang sambit ko.

"Really? Hmm.. Pwede naman siguro kasi 10days to ago birthday na seferina at iyon na din ang araw magaganap ang engagement party ninyong dalawa. Mukahang tinamaan kana ata kay seferina at ikaw na mismo nagmamadali pa hahaha." Napakamot nalang ako sa batok ko at bahagyang ngumit.

"Hindi lang tinamaan tanda, mahal na mahal ko na. "

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon