Lesson 20

18.9K 306 3
                                    

Twenty 

"A-albert?" Kunot noong napatingin ako sa likuran namin ni seferina habang inaayos namin sa kotse yung mga pinamili namin.

Boses palang niya alam ko na agad kung sino ito.

"Kilala mo siya leo?" Takang tanong ni seferina. "In fairness maganda siya,  pero ayoko ng suot niya baka magka pneumonia pa ako dyan." Bulong saakin ni seferina at hindi ko maiwasan mapangiti.

"Hindi ko siya kilala. Tara na. " Aya ko kay seferina at tuluyan ko nang sinarado yung likod ng kotse.

Mabilis naman sumunod si seferina at nauna nang sumakay sa loob.

"A-ang tagal kita hinanap."

"Papatawa kaba? Ako hahanapin mo?" Sarkastikong tanong ko.

"Siya ba? Siya ba yung sinasabi ni jc?" Tanong niya saakin at lumapit ito ng bigla akong hawakan sa braso. "Kausapin mo naman ako babe. Please?" Pagmamakawa nito.

Babe? Bullshit!

Mabilis kong tinanggal yung kamay nito sa braso ko nang makita ko si seferina na nakatingin sa amin na hindi maipinta ang pagmumukha nito, kung kanina sobrang kulit ngayon naman napaka plain ng expression niya halos hindi ko magawang mabasa.

Na gi-guilty ako pakiramdam ko naiipit si seferina ngayon.

"Andrea wala na tayong dapat pagusapan pa." Bakas sa mukha nito ang pagkadismayado. "Love. Tara na umuwi na tayo." Mahinahon na tawag ko kay seferina at nilapitan ko ito tska ko hinawakan ang kamay para isakay na sa kotse. Hindi umiimik si seferina tahimik lang itong tumango nang makapasok na sya sa kotse. "Sorry." Mahinang bulong ko sakanya at tumango lang ito bilang sagot.

Papunta na ako sa driver seat ng bigla ako harangin ni andrea. "Babe please, talk to me. Let me explained." Sabi nito at humawak na naman sa braso ko.

"Oh c'mon andrea. I don't need your explanation dahil matagal na tayong tapos."gigil na sagot ko sakanya at hinawi ko ulit ang kamay nito sa braso ko. "Respeto naman sa fiancee ko." Kasabay ng pagsakay ko sa kotse.

***

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon