Prologue

102K 1.2K 36
                                    

"Hello po." Nahihiyang bati ko sa matandang kaharap ko ngayon.

Andito ako sa restaurant ng kaibagan ni lolo may importante daw kasi itong sasabihin sa akin kaya dito na ako pinaderetso.

"Hi! How are you? Have a sit. Anong gusto mo makakain o maiinom?"sabi niya sa akin kasabay ng pagturo nito sa upuan.

Sumunod naman ako sa itinuro niya. Ano ba meron? Bakit ako pa mismo ang kailangan makipagkita sa kaibigan ni lolo?

Bahagyang nilibot ko ang aking mata sa bawat espasyo nitong restaurant, inferness ang ganda at ang ambiance nito ay sobra nakaka relax din.

"Salamat po Mister Enrique, pero huwag ho po ninyo sanang masamain yung itatanong ko po-- Ano po ba ang paguusapan po natin?" Malumalay na tanong ko.

"Ikaw naman masyado kang formal hija. Lolo nalang itawag mo sa akin beside malapit na din kayo ma-engaged nang aking apo." Taliwas na sagot sa akin kasabay ang pagngiti nito.

Tama ba ang pag karinig ko? Anong engagement?! kanino?! Sino?!

Wait lang. Wala akong matandaan na nagusap kami ni lolo about dito at lalong wala ako matandaan na pumayag ako.

"Engagement po? T-tama po ba ang pagkarinig ko?" utal at hindi makapaniwala tanong ko kay Mister Enrique.

"Oo hija engagement ninyo dalawa nang aking apo." Maligayang sagot nito.

WHAT the?! Hello! 20 lang ako at marami pa akong gusto gawin sa buhay ko. Nang go- good time lang silang magkaibigan e. Ano ako ang trip nila? Besides ni hindi ko nga kilala yung apo tinutukoy nito tapos sasabihin nila na may magaganap na engagement.

What the heck!

Pilit akong ngumiti sa kanya bago ako tuluyang sumagot. "Mawalang galang na po mister enrique, sigurado po ba kayo sa sinasabi ninyo? Baka po hindi ako yung tinutukoy ninyo at yung naka-kantandang kapatid ko po na si selestina. Kung hindi din po ako nagkakamali, wala po kasing na banggit sa akin si lolo about sa engagement na ito at saka parang ang labo din po nang sinisabi ninyo ni hindi ko nga po nakikita o kilala ng personal yung apo ninyo." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin at huminga ng malalamin bago sumagot.

"Alam ni Alfred yung tungkol dito hija at kung si selestina ang tinutukoy mo sana hindi ikaw ang nasa harapan ko ngayon para sabihin sayo ang mga ito. Don't worry. I'm pretty sure na magugustuhan mo ang aking apo." Proud na sambit nito.

"P-pero Mister Enrique alam ko naman po na alam ninyo na hindi ganun kadali ang kasal." Pagda- dahilan ko sa kanya.

Ano ba ang pumapasok sa utak ni lolo at bakit may engagement issue nangyayari?

At ganun din ba talaga kalakas ang fighting spirit nito para masabi niya, na magugustuhan ko yung apong pinagmamalaki niya. Grabe! Hindi ko naman sinasabi na pangit si Mister Enrique sa katunayan nga kahit matanda na ito, kung titignan mo siya kita pa din ang taglay ng ka-gwapuhan nito.

"I know. I know. Hindi naman namin kayo minamadali na magpakasal. Engagement lang ito saka may anim na buwan pa naman kayo para makilala ninyo ang isa't isa hija."

Pilit ko pinaka-kalma ang sarili ko habang siya naman relax na relax sa mga sinasabi nito. Grabe! Ako na po ang maga-adjust at mahihiya para sa inyo.

"Anim buwan?!" Halos di ko na pigilan itaas ang boses ko kasabay ng pagtayo ko mula sa upuan ko at ganun din napatingin sa akin ang mga taong tahimik na kumakain at binigyan ko nalang sila ng 'peace sign' wari na nagsasabi na "go ahead. Ituloy lang ninyo ang pagkain - Don't me mind." Kasabay ng pagupo ko.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon