Lesson 37

17.1K 265 0
                                    

Seferina Sophia

Flash back.

"meron ba tayong dapat pagusapan?" diretsong tanong ko.

Andito kami ngayon ni andrea sa coffee shop na hindi ka layo sa school namin, naitext ko na din si leo na hindi muna ako makakasabay sa kanya pauwi at mal-late din ako ng uwi. Buti nga pumayag agad ito at hindi na gaano nagusisa pa.

asar kasi tong babae nato. de sana nakauwi na ako agad at nakikipagasaran nalang kay leo ko.

"mahal mo ba si albert?" mataray na tanong nito kasabay ng pag sip nito sa kapeng iniinom niya.

mapaso ka sana. argh!

ang arte!

"bakit mo naman naitanong yan ah?" walang ganang sagot ko.

"kilala na kita seferina, at mas lalong alam ko yung sitwasyon ninyong dalawa ni albert."

nabigla ako sa narinig ko sa kanya, paanong nangyari na may alam siya? ang worst pa run lahat dawAlin doon? yung arrange marriage ba namin ang tinutukoy niya?

"Bumalik ako dito sa pilipinas para makasama ulit si albert at maayos yung kung ano ang nauglot sa amin dalawa. Pero paano namin aayusin iyon kung andyan ka at paharang -harang ka. matapang na sabi niya.

sayang maganda pa naman sana tong babae nato pero ang ugali wala ako masabi. Ang kapal ng face. ako pa ngayon ang paharang-harang?!

sarap buhusan ng kumukulong tubig. tsk!tsk!

Pero ano ba yung pinagsasabi nito na dapat ayusin nila leo? Wala naman kasi akong alam tungkol sa past nilang dalawa maliban sa ex-girlfriend lang siya ni leo KO.

I Married My Student [Major Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon