CHAPTER 23 :

296 12 3
                                    

ELISE POV:
1 YEAR PASSED :

Second year college student na ako ngayun at samantalang si darren ay 4th year college na . Sa isang taon namin pag sasama bilang mag kaibigan ay mas nakilala namin ang isat isa . Sa mga panahon na ito ay tuluyan ko na siyang minahal at pinahalagahan pero hindi ko alam kung hanggang ngayon parin ba ay mahal niya parin ako .

Nasa kwarto ako ngayon ni ashlynn at nahingi ng tulong sa kung ano ang magandang iregalo kay darren sa graduation day niya kasabay din nito ang pag papatulong ko sakanya sa pag aayos sa itsura ko .

" Pleaseee ashlynn tulungan mo na ako ?" Pag papa cute ko sakanya .

Ilang segundo ang lumipas bago siya nakasagot .

" S-sige na nga . Pasalamat ka kaibigan kita . Halika na nga dito aayusan na kita "

" Yeeey "

" Ano bayan , parang kang bata simula ng maging mag kaibigan na kayo ni kuya . " Natatawang Asar nito saakin

         🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵

SCHOOL:

Valentine's day ngayon at kasalukuyan ako ngayon naka makeup dahil sa sa tulong ng magician kong friend . Akalain mo yun napaganda niya ako .

Nag lakad na ako sa entrance ng school at napansin ko na parang walang klase ata ngayon dahil parang puros program lang ang magaganap . Nag lakad ako sa paligid ng biglang may lumitaw sa harapan ko .

" Elise kailangan ka ngayon sa music club " saad saakin ni joy .

" Pwede bang sa susunod nalang ?" Nag babakasakaling tanong ko .

" Hala hindi pwede , galit sayo ngayon ang advisor ng club natin dahil ni minsan ay hindi ka nag perform tuwing may program "

" H-HA!? , P-pero ..." Hindi na niya ako pinatapos pa bagkus ay hinatak na nila akong lahat papunta sa backstage .

Pano to? hindi ko maipapakita kay darren itsura ko ngayon pero baka naman nasa stage na din siya . Sana talaga makita ko na siya .

Nasa backstage na ako ngayon at kasalukuyang nag lilibot mata ko sa paligid pero wala akong matagpuan na darren .

" Elise ..."

Halos mapabalikwas ako sa kinakatayuan ko dahil sa boses ng taong nasa likuran ko kaya akin iyon nilingon .

" Bakit ? "

" Ikaw ang mag peperform mamaya kaya sootin mo to "

" H-HA !!? , B-Bakit ? "

First time ko lang kakanta sa harap ng maraming tao kaya nakakahiya .Ni minsan ay hindi ako kumanta sa stage or mag parinig ng boses sa mga kaibigan ko maliban lang nung audition . 

" Hindi ka kasi naka color coding ngayon para sa club natin at saka wala si darren ngayon, kaya ikaw ang napili naming kakanta mamaya . " Sagot ni april saakin .

Matapos kami mag usap ay sinoot ko na yung red dress na binigay niya saakin at nakakatuwa dahil sakto ang size ng damit saakin kasabay din ng heels na hindi naman ako sanay gamitin . Lumabas na ako ng cr para harapin si april at ng makita ko ang reaksyon niya ay hindi ko maiwasan na ma overwhelmed .

" Ang ganda mo ! Mas gumanda ka pa lalo ngayon kaysa kanina . " Tugon si april.

" Bagay sayo yung damit " saad naman ni gerald

" Sana all maganda " sabi ni joy

" T-thank you " nahihiyang sagot ko .

" Ngayon lang kitang nakitang mag ayos ng sarili ahh . Kasi kadalasan soot mo malaking t-shirt tus pantalon or hindi kaya minsan mukha kang manang manamit . "

Love Lie Donde viven las historias. Descúbrelo ahora