CHAPTER 1 :

604 21 0
                                    


" What !? , eh sa ayun madalas sabihin ng lalaki. Parati nyong tinatanong yang line nayan kapag nahuhuli na kayo sa akto . Hay nako. " depensa ni ashlynn sa sarili.

Matapos niyang sabihin iyon ay muling bumalik ang titig ko kay jayce at kasabay nito ang pag lungkot ng mata ko.

" Hindi naman sa ganun . Gusto ko lang makasiguro dahil nga girlfriend mo ko ." mahinahong sambit ko para maayos ang sitwasyon.

" Alam mong kaibigan ko lang si brianna at wala ka dapat ipag selos doon . " saad niya at kasabay nito ang pag tangka niyang pag halik sa noo ko pero agad ko iyon iniwasan .

" Hayst , hanggang ngayon parin ba ay ayaw mo parin na halikan kita ? . "

" Sorry , alam mo naman na conservative ako diba ."

" okay fine . Aalis na ako dahil may daanan pa akong kaibigan. "

" sige babe , ingat ka ." ngiting paalam ko sakanya habang siya ay tumayo na sa kinauupuan niya at nag simula nang mag lakas palayo.

Pinag masdan ko lang ang boyfriend ko at hindi ko maiwasan ang kiligin dahil sa hindi ko akalain na mag kaka syota ako na kasing gwapo niya.

Napaka swerte ko naman sa boyfriend ko , dahil iniintindi niya at nirerespeto niya ang pagiging old fashion ko about sa ganitong relasyon .

" hayst , kaibigan pala eh . baka mamaya si brianna ulit ang puntahan nun . "

Nilingon ko ashlynn na nag salita at ang sama ng titig saakin .

" Alam mo teh , makipag break ka na sa boyfriend mo . Halata naman na niloloko kalang niya eh ." pahabol na opinyon niya saakin.

Muling bumalik ako sa pag nguya ng baon ko at matapos nun ay kinausap ko siya .

" Niloloko man niya ako o hindi , mahal ko parin siya at kung nalaman ko nga na niloloko niya nga ako edi ill do my best para mapatino ko siya ." Pag rarason ko .

" Don't tell na porque first boyfriend mo siya ay gusto mo na din na maging last siya , katulad ng gusto ng karamihan sa mga babae ? "

" Ganun na nga "

" Hayst , nakaka bwiset na talaga yang mind set mo . Pasalamat ka dahil naging kaibigan kita kundi nako , matagal na kitang niwagwag . "

Matapos niyang sabihin iyon ay muling bumalik siya sa pagkain niya .

" hehehe buti talaga kaibigan kita. " tugon ko sakanya na may ngiting abot langit.

Okay na saakin na mag talakan kami mag kaibigan at maging prangka kami sa isat isa kaysa sa wagwagin niya ako dahil hindi lang kagandahan at yaman ang taglay ng babaeng ito . Nakilala din siya dito sa campus dahil sa pagiging war freak niya . Mapalo nga lang niya ako kapag kinikilig siya dahil sa kapatid ko .Parang pakiramdam ko kakalas na katawan ko eh .

" Alam mo elise ang ganda mo kaya pero hindi ka lang marunong mag ayos . Parang nga hawig mo yung pumanaw na girlfriend ng kuya ko eh . Pero para saakin mas maganda ka doon . "

" Grabe ka naman ! Sa dami daming pwede kong maging kahawig yung namayapa pa talagang girlfriend ng kuya mo . "

" hoi , choicy ka pa . Ang ganda kaya nun at saka kung mag kaka gf man ulit si kuya mas gugustohin ko na ikaw nalang ."

" hay nako ashlynn . Parang ikinatuwa mo pa pagkawala ng jowa ng kuya mo ahh "

----------

1 WEEK PASSED :
CAFE :

Nasa work ako ngayon at nakakaimis lang dahil ang tagal pang matapos ang oras . Gusto ko nang pumunta kay jayce dahil gusto ko siyang supresahin ngayong birthday niya . Tinawagan niya ako kanina kung dadalo ba ako pero tinanggihan ko siya at ang rason ko ay dahil may trabaho pa ako pero ang hindi niya alam ay susupresahin ko siya sa condo niya . Yup , may condo siya kasi nga mayaman siya at nakakainggit lang . Nakakainggit talaga ang mga ka school mate ko kasi nabibili nila ang mga gusto nila na walang hirap . Try ko nalang talaga na hindi mamatay sa inggit ng dahil sa makikita ko. Oo na inggetera ako , pakielam nyo ba .

Nang matapos na ang shift ko ay dali dali akong kumuha ng cake dito sa pinag tratrabahuan ko . Hindi naman ako mag nanakaw eh . icha-charge ko naman ito sa sweldo ko kaya okay nayan . Gusto ko sana na ako mismo ang mag bake ng cake para sakanya pero wala na akong oras para doon dahil parati nga akong BUSY .

Nang matapos ako sa mga dapat kong asikasuhin para ihanda sa suprise ko sa birthday ng boyfriend ko ay agad na akong umalis ng work at dumiretso na ng condo ni jayce.

Kasalikuyan na akong nasa tapat ng pintuan ni kwarto ni jayce . Dahan dahan kong pinipihit ang door knob para hindi ako makaagaw atensyon man kung sakali man nasa loob nga si jayce . Hanggat maari iniiwasan ko na gumawa ng kahit anong inggay para ganap talaga na ma suprise ko siya .

Matapos kong pihitin ang pinto ay akin nang ibinuka ito ng kaunti ng biglang may narinig akong unggol ng isang babaeng pamilyar saakin .

Anong ginagawa mo dyaan jayce !? Ano tong naririnig ko ? . hindi kaya sarili niyang pinapasaya ang ang sarili nya habang na nonood ng porn ? . Nakakahiya makaistorbo , ano bayan .

Sinubukan kong sumilip sa maliit na pag kakabuka ng pinto at laking gulat ko ng makita ko si jayce na may kasamang isang babae ... si- si brianna .

" Uugh ! Brianna ...Salamat talaga dumating ka . Kung wala ka talaga , hindi ko na alam kung saan ako mag hahanap ng babaeng mapag paparausan ko UUugh ."

" AH AH UUUGH! , Bakit kasi hindi mo pa magawang makipag break diyaan kay elise eh ! . UUUHM ... Hindi ka naman niya napapaligaya gaya ng nagagawa ko..." tugon ni brianna habang patuloy sa pag indayog ni jayce sakanya.

Nakaramdam ako ng pang hihina ng katawan lalo na ang mga binti ko. Parang wala na silang lakas na buhatin ako patayo . Hindi maiwasan na kumawala ang mga luha ko .

Bakit mo to nagawa saakin jayce ! Pinag katiwalaan kita !.

Kahit nahihirapan akong tumayo ay dali dali akong nag lakad at kinuha yung cake na para sana sakanya .

Sinisigurado ko na walang makakapansin saakin dahil sa mga oras na ito wala na akong maramdaman kundi pagod . Ayoko muna makipag talo sakanya ngayon .Gusto ko munanv ilabas ang lahat ng hinanaing ko .

Nang maka labas ako ng building ay agad kong tinawagan ang number si Ashlynn sa cellphone ko .

Nag ring na ang phone niya at ilang saglit lang ay sumagot na siya sa tawag ko .

" Oh bakit napatawag ka ? Kamusta yung supri... "

Hindi ko na siya pinatapos pa sakanyang sasabihin at nag simula na akong humagulgol sa kalye habang patuloy na nag lalakad .

" Bakit ka umiiyak !? May nang away ba sayo!? Gusto mo bang pag tulungan nating kalbuhin yun !? ... " Pag co-comfort saakin ng aking kaibigan .

" s- si ( sniff ) ja-yce ( sob ) ..." Nauutal na sambit ko .

" Anong nangyare sainyo ni jayce !? " Nag aalalang tugon niya .

" Ni-( sniff ) Niloko niya ako ( sob )... "

Sa mga oras na ito ay tuluyan na akong mag break out sa sobrang kalungkutan na nararamdaman ko .

" Wait mo ko dyaan . Pupuntahan kita . "

END CALL *

Love Lie Where stories live. Discover now