CHAPTER 20

244 16 2
                                    

DARREN POV :

Ang dilim na ng paligid at hanggang ngayon wala parin ang mga kagrupo nila elise .  Nag aaalala na ako sakanya ,baka kung ano na ang nangyare  .

Kinuha ko ang flash light at cellphone ko sa hotel pati nadin ang first aid kit at pagkain dahil baka gutom na yun ng ganitong oras .

Matapos ko kunin ang mga importanteng bagay ay agad na akong sumugod sa kagubatan at hinanap ang nag iisang babaeng nag mamay ari ng puso ko .

Sa pag lilibot ay natagpuan ko ang group 4 na nalilito sa daan kaya agad ko silang nilapitan . Hinanap ng mata ko si elise sakanila pero hindi ko siya nakita .

" Myles ! Nasaan si Elise !?  "

" H-hindi ko alam "

" Kanina kasama pa namin siya pero bigla nalang siyang nawala . Sorry darren " sagot ni danica .

Hinatak ko palapit saakin si myles at akin siya binigyan ng malakas na suntok sa tyan dahilan para mamilipit at mapaubo siya sa sakit . Nag silapit saamin ang mga kagrupo nilang lalaki at pinigilan kami na mag away .

" Walang mabuting kahahantungan tong pananakit mo , mas mabuti pa kung hanapin na muna natin si elise kaysa mag patayan kayo dito !" Bulyaw ni jennifer .

" Tsk huwag na , mas marunong ako sa daan kaysa sainyo kaya mas mabuti pang bumalik na kayo sa hotel . Ituturo ko sainyo ang direksyon . " Sabay tanggal ko sa mga kamay nila na mahigpit na pumipigil saakin kanina.

Matapos ang pag eexplain ko sakanila ay agad akong bumalik sa pag hahanap kay elise .

Sa mga oras na to siguro natatakot at nagugutom na siya hayst ... Sorry elise dahil pinabayaan kita . Onting pag titiis nalang mahahanap din kita .

ELISE POV :

Ilang oras na akong humahagikgik sa kakaiyak at sunod sunod na tunog ng sikmura ko ang naririnig ko dahil sa gutom sinabayan pa ng takot dahil sa madilim na kagubatan  at pagod mula sa kakalakad.

Sa kalagitnaan ng pagkatakot ko ay pumasok sa isipan ko si darren at ang pagiging makulit , malambing niya saakin .

Gusto ko nang umuwi gusto ko nang mag pahinga pero hindi na ako makapag patuloy sa pag lalakbay dahil sa takot .

Naka upo ako ngayon sa damuhan at halos hindi ko na makita ang kapaligiran ko ng biglang may narinig akong ingay na papalapit saakin na mas ipinangamba  ko. agad akong tumakbo ng mabilis palayo doon pero biglang akong nadapa at naramdaman ko na humapdi ang tuhod at binti ko na satingin ko ay may natamo akong sugat .hindi ko na iyon maaninag pa dahil nga ang dilim .

Bahala na kung kukunin ako ni lord pero nakakalungkot lang kasi hindi ko manlang nasilayan ang mama ko, best friend ko , kakambal ko at higit sa lahat si darren . Mukhang ito na ang magiging katapusan ko .

Ilang segundo lang ang lumipas at mas lumakas ang ingay papunta
Sa direksyon ko kung saan ako nakahilata at kasabay nito ang hindi mapigilang takot na nararamdaman ko .

Ipinikit ko na mata ko at hinintay na lamunin na ako ng kung anong nakakatakot na nilalang nanag babadyang saktan ako .

May biglang humatak saakin patayo mula sa hinihigaan ko at naramdaman ako ang mainit at mahigpit na pag yakap ng hindi ko malaman na nilalang .Aking idinilat ang mata ko at natagpuan ko si darren na lumuluha habang naka akap saakin .

" Huwag mo na ulit gagawin yun ... Pinag alala moko ng sobra ."

Bumawi ako ng akap sa kanya at kasabay nito ang malakas na pag hagulgol ko. Nilabas ko lahat ng pagod, takot, gutom ko mula sa pag iyak .

Love Lie Where stories live. Discover now