CHAPTER 9 :

280 19 0
                                    

Kahit pabulong lang iyon ay nagawa ko siyang palingunin saakin, kahit mas malakas pa ang mga hiyawan ng mga taong na nonood . Ang kaninang ngiti nya habang nakanta ay mas lalo pang lumawak ng nasulyapan niya ako .

Ayan na naman ang kaplastikan niya sa harap ng madaming tao .

" 'Cause you know that I've been feeling you
I know you want me "

Napahakbang ako patalikod ng napansin ko mukhang lalapitan niya ako habang nakanta .

Hindi ko akalain na Member din pala siya ng music club.

halaaa! Pano to !

" I've been thinking 'bout you lately
Maybe, you could save me from this
Crazy world we live in
And I know we could happen
'Cause you know that I've been feeling you "

Nag lakad na siya at kaunti nalang ay malapit na siya saakin kaya agad akong tumalikod para limabas pero bad timing . Nasa harap ko ngayon ang president namin .

Siya pala ang pumasok kani-kanina lang .

" Anong balak mo Ms. Fontanilla ? "

" a-Uuhm lal... "

Sasagot na sana ako eh pero naramdaman ko na may humatak saakin mula sa likod at ngayon nasa braso na niya ako . Nilingon ko kung sino iyon .

Sabi na nga ba eh si darren / Mr. Bulag .

" aalis na ako ! " masamang tingin kong sabi kay Mr. bulag .

" baka nakakalimutan  mo ,bihira kalang umattend. Sumama kana kay Mr. Lofranco na kumanta sa harap . " galit na sambit saakin ng president namin .

" I know you want me too
I know you want me too
Ohh-ooh-oh-oh
Pa-pa-ra, pa-pa-ra "

matapos nun ay tuluyan na akong sumama kay darren na pumunta sa gitna ng stage kahit labag sa loob ko . Kasabay din nun ang mas lumakas na hiyawan ng mga tao.

" Ang cute talaga nila ! " Kinikilig na sigaw ng isang babae na audience .

hayst akala mo lang iyon girl .

First time ko lang makapunta sa gitna ng stage as a member ng music club at parang gusto ko nang bumaba agad dito dahil nahihiya ako .

Tapos na ang kanta at ngayon ay naririnig ko na ang pag tugtog ng instrument para sa panibagong kakantahin na naman ni Darren .

Ngayon alam ko na kaya kinababaliwan ng mga babae itong si darren . Hindi lang dahil sa good looks niya at katangkaran kundi din dahil sa maganda din ang boses nito .

Kahit alam ko na ang lahat ng iyon ay hindi parin mag babago ang tingin ko sakanya . Isa parin siyang bulag at tangatanga para saakin .

Kasalukuyan kaming nakatayo ni darren sa gitna habang siya ay naka akbay saakin kaya pilit kong tinatanggal ang kamay niya doon .

" Ano ba darren , pakitanggal naman yang kamay mo oh . " Naiiritang reklamo ko .

" Tawagin mo muna akong love ? " sabay nito ang pag lapit ng mukha niya saakin habang naka ngiti siya ng mapanukso .

Muli ay nakarinig ako ng masakit sa tengang mga tilian at parang gusto ko silang buhusan lahat ng tubig

" Ano !?  Mukha mo ! Ayoko nga ! "

" Edi hindi ko din tatanggalin tong kamay ko sayo "

Another tili na naman. hayst , sakit sa ulo Jusmiyo.

Arrrgh! Nakakainis na to ahh .

"I realize the best part of love is the thinnest slice
And it don't count for much
But I'm not letting go "

Nag umpisa na si darren kumanta at in fairness mas maganda pala talaga ang boses niya kapag malapitan . Porque kinocompliment ko siya sa isip ay hind ibig sabihin nun ay gusto ko na siya or na attract ako sakanya . Hindi po ganun .

" I believe there's still much to believe in
So lift your eyes if you feel you can
Reach for a star and I'll show you a plan
I figured it out "

Habang patuloy parin sa pag kanta at pag i-intertain ni darren sa mga audience, biglang naligaw ang tingin ko kay jayce . Hindi lang kay jayce kundi pati nadin sa babaeng kasama niya. Si Brianna .

Kasama din pala sila sa mga audience na na nonood ngayon.

Muli ay nakaramdam ako ng pag ka lungkot . humapdi ang mga mata ko at lumalabo ang pangingin ko dahil nararamdaman ko na naman ang pag basa nito. Paniguradong iiyak na naman ako . Paano to ? Nasa harap ako ng maramong tao at isa pa nakabantay ang president namin .  Anong gagawin ko ? .

Sinubukan kong hindi pumikit dahil alam ko na kapag gimawa ko iyon ay talaga ngang babagsak ang mga luha ko pero paano kapag napuwing ako . Hindi naman pwedeng buong oras na nakadilat mata ko .

pero pano yan !?

Naramdaman ko na tinulak ako ni darren dahilan para mapasubsob ang mukha ko sa dibdib niya .

malakas na hiyawan na naman ang narinig ko pero akin nalang iyon binaliwala.

" huwag mo siyang iyakan . Ako ang nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan . " bulong niya saakin na naging rason ng pag laki ng mata ko .



Love Lie Место, где живут истории. Откройте их для себя