CHAPTER 15:

267 14 0
                                    

Halos tapos na ako mag luto ng mga potahe para sa birthday ng mama ko at hindi ko maiwasan mairita sa baklita kong kapatid na walang ginawa kundi unawra-awra sa gitna ng bakuran namin . Walang masyadong dekorasyon ang ginawa naming pag hahanda dahil baka hindi na tumugma yung idad ng mama namin sa maaari naming magawang desenyo .

May mga inilatag na kaming mga kakaunting lamesa sa harap at syempre nag renta na din kami ng karaoke pang kantahan . Hindi syempre mawawala yun kapag may ganitong okasyon noh .

Pareho nang naka ayos ang pananamit at itsura ng mama ko at ng kapatid ko, maliban saakin Hayst . Pano naman kasi ! Ako mula madaling araw hanggang ngayon ang nag aayos dito . May mga naitulong naman saakin yung kapatid ko pero para saakin hindi pa sapat yun !.

Tanging soot ko lang ngayon ay short at mukhang basahang damit dahil sa mga masya ng ulam na niluto ko kanina .

" Elise, iha ito na yung hinihiram nyong mga upuan kunin nyo nalang ang iba sa loob ng tricycle. " tawag saakin ni tatay manuel na kamag anak ng kapit bahay namin.

Lumabas na ako ng pintuan ng bahay at dumiretso na papunta sakanya at akin nang inabot ang hawak hawak nitong upuan .

" Salamat tatay manuel ah "

" Wala lang yan "

Sabay ngiti ko sakanya

Lumingon na ako ngayon papasok ng bakuran namin ng biglang sakto sumulpot sa harapan ko ang bangungot ko .

" Ako na dyan " kasabay nito ang pangiti niya ng malapad na nag pa kikiti sa katawan ko ng kakaunti . Yuuuuck!

Hindi na niya hinintay ang sagot at kanya na agad kinuha mula sa kamay ko ang iilang upuan na buhat buhat ko .

" Bakit ka nandito darren !? "

Hindi na muna siya umalis at bagkus ay kumuha pa siya ng maraming upuan bago siya tuluyang pumasok ng bakuran kasama ko .

" Nandito ako dahil sa inimbitahan ako ng kapatid mo " sabay nakaw niya ng halik sa pisngi ko bago siya tuluyan maka layo saakin .

Biglang nakarmdam ako ng paninigas ng katawan . Hindi ko maihakbang paa ko manlang para sampalin mukha niya . Ano ba elise !? Anyare sayo!?

Pinag masdan ko lang siyang kiligin at tumawa habang lumalayo saakin .

" Babaita ka ! Nakita ko yun !"

Agad kong nilingon ang kapatid ko na papalapit na saakin at may kasama pang taas kilay .

" Ano ba erick pagod na ako . Huwag mokong istressin pa lalo . "

-----

Mag gagabi na at pare-pareho kaming naka upo na sa kanya kanya namin gustohin . Katabi ko ngayon si erick at katabi naman nito ay si darren .

Ang harot talaga ng baklang to lalo na kapag naka kita chopopo hayst . Pero maigi na din ito para hindi makadikit saakin si darren.

Iniiwas ko nalang ang tingin ko sakanila at itinuon ko ang atensyon ko sa nanay ko na masayang kumakanta sa harapan .

Sa mga oras na ito ay halos lahat na ng kaibigan ng mama ko ang nandito at ganun din ang iba niyang mga katrabaho .

Sa kalagitnaan ng kantahan ay may bihlang malakas na bunganga ang nakapag agaw pansin saamin lahat .

" HELLO PO MOMMY . Heheh pag pasensyahan nyo na po kung na late ako sa pag punta . Ito nga po pala yung regalo ko sainyo sana po magustuhan nyo . Happy Birthday po! " Maligalig at makapal na mukhang saad ng kaibigan ko na bigla bigla nalang nasulpot . Nagawa pa niyang yakapin ang mama namin at feel na feel pa nito .

Hay nako , hindi mo ba talaga titigilan ang kapatid ko ? Naawa lang ako sayo may guudness teh !.

Nakakahiya ka talaga ashlynn pati ako bilang kaibigan mo nahihiya para sayo .

Pumaibaba ako ng lamesa ng walang nakakaalam at tinakpan ang tenga ko dahil ayokong marinig ang mga pinag sasasabi niyang kasipsipan .

Buti talaga may tela akong inilagay sa mga lamesa para kahit papaano mag mukhang susyalan at dahil din sa tela na to ay makakapag tago ako .

Sa ilang segundong pag tatago ay biglang kinabahan ako dahil napansin kong may sisilip ata dito sa baba . Sa pag dungaw na iyon ay kinilabutan akong makita si darren at nagawa pa niyang pumasok din dito at samahan ako .

" Ano naman ang ginagawa mo dito ? " tanong nito at kasabay din nito ang pag daan ng mata ko sa labi niya na naging dahilan ng pag alala ko sa nangyare kanina .

Muli ay nanigas ako sa kinatutumbukan ko at wala na akong nasabi at ginawa dahil alam kong kahit mag salita ako ay pawang mabublol pa ata ako.



Love Lie Where stories live. Discover now