CHAPTER 22:

238 12 0
                                    

ELISE POV :

Ilang buwan na ang lumipas matapos ang field trip namin at mula nun ay ni minsan ay hindi ko na nakakatagpo si darren . Hindi ko maiwan na isipin na baka sumuko na siya saakin dahil sa pagiging mataray ko sakanya . Hayst kailan ko kaya siya makikita at makakausap . Nakakamiss din pala talaga siya .

Kasalukuyan akong nasa school ngayon at nag mamasid masid na baka may lumitaw na darren sa paligid ko pero bigo ako . Nag lakad ako sa hall way nang mapansin ko na maraming tao na nag sisiksikan sa hindi ko malaman na dahilan . Naririnig ko ang malalakas na ingay sa dulo kaya hindi ko maiwasan na mag tanong sa mga taong na roon .

" Anong meron ? Bat nakakagulo dito ? "

Pero hindi ako sinagot ng babae . Sinubukan ko mag tanong pa sa iba pero ayaw nila akong sagutin bagkus ay tinarayan lang nila ako at nakikiosyoso sa kaguluhan .

Sa ilang segundong pag mumuni muni ay naisipan kong gumapang papunta sa pinaka unahan ,hindi naman sa chismosa ako pero parang ganun na nga .

Tumuloy na ako sa pag gapang papunta sa harapan at nang masilayan ko ang mga pang yayare ay parang gusto ko na ulit bumalik sa likuran dahil Kasalukuyan kong nakikita si darren na nakikipag suntukan kay myles .

" BAWIIN MO ANG SINABI MO ! " Kasabay nito ang pag papatalsik ni darren ng kamao niya sa mukha ng binata .

A-anong nangyayare dito?? Bat nag kakaganito na naman siya ?

" D-darren !..." Sigaw ko pero hindi niya ako pinansin .

" HINDI BA PINAG SABAY KAYO NI JAYCE NYANG BABAE NA YAN !?  BAT MO SIYA PINAG TATANGGOL NGAYON? DAHIL BA SA HINDI KA MAKAKA POINTS SAKANYA !? " saad ni myles habang Sinusubukang sipain si darren na nasa harapan niya .

Anong pinag sasasabi ni myles ? . Ako ba pinag uusapan nila ?  Hindi ko akalain na ganun pala ang tingin saakin iba sa campus ...

Gusto ko sanang magalit ulit kay darren pero bat ganun ,Hindi ko na magawa ?

" MASAMA BA NA YAYAIN SIYA NA MAKIPAG SEX !? EH PARANG MAGALING NAMAN ATA SIYA DOON ...TSK . " pag iilag ni myles sa mga suntok ni darren .

Nang dahil sa mga narinig ko ay bigla nalang ako na nigas sa kinakatayuan ko at kasabay nito ang pag patak ng bawat mga luha ko . Nakakapang hina na isipin na ganito pala tingin ng iba saakin .

" ILANG BESES KO BANG SASABIHIN SAYO NA INOSENTE SIYA ! " Mas tumindi ang galit ni darren kaya pinaulanan niya ng maraming malalakas na suntok at tadyak si myles hanggang sa mapahiga ito .

Matapos iyon ay tinalikuran niya ito at mukhang na gulat siya ng mapansin niya na kasama ako sa mga na nonood sakanila . Mabilis na naglakad siya papalapit saakin at matapos nun ay kanya niya akong hinatak papalayo sa lugar na iyon hanggang sa mapadpad kami sa stage .

" B-bat tayo nandito ? " nagugulumihanan na tanong ko pero hindi niya ako sinagot agad dahil inaayos niya ang mga speaker , mike at lahat lahat ng ginagamit namin sa tuwing nag peperform kami .

Matapos siyang mag kumpuni ay tumayo siya ng maayos papunta sa mike .

Matapos lahat ng nangyare kanina may ganan pa talaga siyang kumanta dito !?

" Sorry ..." hinding tumitingin na tugon niya saakin .

" Huh? " nagugulumihanan na sagot ko .

Mag sasalita na sana ulit ako ng nag simula na siyang mag salita sa mike .

" Ako si Darren Fuentes na nag sasabi sainyong lahat na inosente si Elise Fontanilla ..."

Nanlaki ang mata ko sa ginagawa niya at kasabay nito ang pag taas ng mga balahibo ko sa katawan .

Nasisiraan ka na ng bait ! Inuntog ka siguro ni myles sa pader kaya ka nag kaganyan .

" Anong ginagawa mo !?" May diin sa tono kong tanong pero mukhang hindi niya ako narinig .

" Walang relasyon na na mamagitan saaming dalawa ... Lahat ng iyon ay kasinungalingan ko dahil minahal ko siya .  "

Padami ng padami na ang mga istudyante sa paligid namin at kasabay nito at pag pasok ng ispirito ng kahihiyan sa katawan ko pero at the same time , natutuwa ako dahil tinupad nga niya ang sinabi niya saakin . Na aayusin niya ang lahat .

" Alam kong naging sakim ako ng dahil sa paninira ko sa relasyon nila ni jayce cause sometimes we do stupid things for love . " mapait na ngiting lumingon ni darren saakin dahilan ng paglakas ng tibok ng puso ko.

" Hindi din totoo ang mga usap usapan ninyo na may nangyare saamin dahil natagpuan niyo kami na mag kasama sa hotel ."

" Buong gabi siyang umiiyak ng oras na iyon at kinukwento niya saakin ang pag tataksil ng boyfriend niya . "

Tama ba tong naririnig ko? Walang nangyare saamin pero bat mukhang hindi ako masaya sa narinig ko ? Parang bang mas gusto ko pa na may mangyare saamin ....

" Matapos niyong malaman lahat ng katotohanan ,nakikiusap ako na huwag niyong pag isipan ng masama si elise dahil ako lahat ang may kasalanan kaya saakin kayo magalit! "

" Ipag sisigawan ko ngayon kung gaano ko kamahal tong babaeng kasama ko at gusto kong i-announce sainyo na nililigawan ko siya at sana soon sagutin nya rin ako .  Matapos niyang banggitin iyon ay nilapitan na siya ng isang guro at dinala siya Guidance office dahil sa sunod sunod na ginawa niya .

Thank you darren ...















Love Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon