CHAPTER 12 :

287 20 0
                                    

" Bakit ka nandito myles !? "

" Because im also a customer "

Oo nga naman may point si myles pero hindi parin ako makapaniwala na sawakas nakita ko na yung pangalawa sa pinaka gwapo sa campus namin at mas hindi ako makapaniwala na makitang ang nag liliyab sa galit na mukha ngayon ni darren . First time ko lang siya nakitang ganito .

Nilingon ako ni darren at nag katitigan ang mga mata namin . Nakita ko kung gaano nanlilisik ang mata niya sa galit . Bakit nga kaya ? . Sunod ko nalang namalayan ang mahigpit na pag kakahawak niya saakin sa pulsuhan . Kinaladkad niya ako palabas ng cafe ng wala manlang kapaa-paalam sa lalaking iniwan namin .

Napadpad na kami ngayon sa labas ng entrance ng mall at kanya niya akong hinarap sakanya .

" Anong sumagi dyaan sa kukote mo ha !? Bakit halos mag eska dalo ka na doon sa cafe ?! ." Pag uumpisa ko ng usapan na naka kunot ang noo .

" hayst let's not talk about it . " Saad niya habang hinilmaos nya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at halatang na stress ito ng dahil sa pang yayare kanina .

" OKAY ,,,Byieeee " sabay kaway ko sakanya. Senyales na aalis na ako pero muling hinablot niya kamay ko .

" Come with me, there's something that i want to tell you . "

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ko at bagkus ay kanya na akong hinatak palayo pero bago mangyare yun syempre mag pupumiglas muna ako . Aba date namin ngayon ng kuya ni ashlynn at ayokong masira iyon ng isang Darren Bulag . Ito na nga pag kakataon ko na gumwa ng way para makalimutan ang lalaking kauna unahan kong minahal tus mauudlot pa !. Minsan na nga lang ako mahing determinado para makalimot tus ito pa mangyayare.

" Bitawan mo ko ! ANO BA !? HINDI NA NAKAKATUWA !. " Nag lalaban at nag sisisigaw na bulyaw ko dahilan para makuha ang atensyon ng mga taong naroroon .

" Huwag kanang maarte , halika na "

ANO MAARTE !? , Sino naman ang tinatawag nyang maarte ? Ako !? Kapal naman ng mukha nitong spoiled brat na to !.

Inabot na kami ng siyam siyam sa pakikipag talo sa isat isa ng biglang nanlaki nalang mata ko ng binuhat niya ako ng walang pasabi . (bridal style)

" IBABA MO KO ! "

Satagal tagal naming nag aaway ay sawakas may matandang lalaking lumapit saamin kasama ang mga kaibigan niya .

" Anong problema dito ? Ginugulo ka ba ng lalaki na to miss? . "

" O-opo kuya " paawa effect ko.

" Pasensya na ho kayo sa eskandalo na ginagawa ng misis ko . May mental condition ho kasi siya, kaya intindihin nyo lang po . Madami na din itong nasaktan na tao kaya mag ingat kayo dito . "

Ano !? Sinong baliw !? Ako!? At hindi lang iyon sinong sinasabi nyang asawa niya !?. Iwww , never ,never ever kitang papatulan ! .

" HAHAHAH, Baliw ? Sinong baliw saatin ? HA HA HA HA , Huwag mo nga silang idaan sa kasinungalingan mo !. May date ako ngayong araw kaya ibaba mo ko darren ! " Maktol ko at padedepensa ko sa sarili ko .

" Ay sorry boss ,Akala kasi namin ..."

" Hindi , okay lang yun . Salamat nalang sa concern . " Mahinahong saad ni darren sakanila .

Halos mapanganga nalang ako . Grabe ang galeng. The best actor award goes to darren bulag . Ang galing nyang mag paikot ng tao . Hindi ko akalain na maniniwala ang mga tao sakanya hayst !.

Matapos ang pag papahiya niya saakin ay heto kami ngayon at nakaupo sa isang bench sa isang hindi kalakihang play ground .

Kasalukuyang nakatalikod ako sakanya at nakatingin ng malayo .

" Uy galit kaba ? " Malambing na tanong saakin ni darren pero ako ay patuloy parin sa hindi pag kibot sakanya .

" About nga pala sa sinabi ko kahapon .tungkol sa ako ang first love mo . "

" Huwag kang mag alala hindi ako naniwala sayo nun . Hindi ako tanga noh para mag padala sa mga sinabi mo . "

" No, its not a lie ... Totoo lahat ng sinabi ko ng araw na yun . "

Nilingon ko siya at nagkatapat ang mga mata namin . nakita ko kung gaano kaseryoso siya habang sinasabi niya iyon saakin .

" Kung hindi kasinungalingan yun oh sige nga iexplain mo nga saakin kung bat kita naging first love !?. " Natatawang saad ko .

Hindi talaga ako naniniwala as in hindi talaga kasi napaka impossible naman .

Ilang segundo ang lumipas pero wala parin siyang imik . Sabi na nga ba eh kasinungalingan lang talaga ang alam niya.

" Di ba sabi ko na nga ba . Hindi mo maexplain kasi hindi naman totoo . " sabay sarkastikong tawa ko .

Tatayo na sana ako ng satingin kong wala na siyang sasabihin pero bigla nalang siyang umimik .

" Ako yung ka textmate mo dati hindi si jayce . Ako ang nag sesend sayo ng mga love letters hindi si jayce . Hindi ko alam kung paano niya nagawang makuha yung sim ko pero may proweba ako na ako nga talaga ang first love mo . "

Dahil nga sa magaling siya mag sinungaling ay hindi ako naniwala sakanya ng biglang ilahad niya saakin ang cellphone niya na nanggaling pa sa bulsa nito .

Nakita ko ang mga dati naming mga messages na akala ko si jayce ang may pakana .

Totoo ba to?!

Love Lie Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt