CHAPTER 18 :

259 13 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas at ngayong araw ay ang field trip namin hayst . Nang hihinayang ako sa ginastos ko para dito ang mahal kasi pero hindi ko naman pwedeng hindi ako umattend kasi dagdag grade to at saka mga mga physical activities kami na gagawin dito . Mas nakakalungkot lang isipin na kaisa isang kaibigan mo ay hindi mo makakasama huhuhu. Mahalaga ba talaga sakanya grades niya ? .

Nasa loob na ako ngayun ng nirent na bus ng school namin para sa trip at kasalukuyan ako ngayon na humahanap ng mauupuan dahil halos lahat ng bus na pinasukan ko ay puno na . Wala kasing sitting arrangement dito kaya ayun ang story ng mahaba habang oras na pag hahagilap ko ng pesteng upuan .

Muli ay bumaba ako ng bus dahil puno na at ulit akong nag hanap ng ibang bus pero habang nag hahanap ay biglang naramdaman ko na wala na ang paa ko sa lupa dahil may bumuhat saakin na pa bridal style ng walang pahintulot . Tumingin ako sa binatang kasalukuyang na iniinda ang kabigatan ko at syempre gaya ng ineexpect ko si darren na naman .

"Ano na naman yang pinaplano mo !? . Ibaba mo nga ako , nakakahiya! " Sabay palo ko sakanya .

" Huwag kang malikot babe baka mahulog ka "

" Anong babe !? Ayan ka nanaman ulit sa kasinungalingan mo ! "

" Bakit nung hinalikan moko kahapon kasinungalingan din ba yun? "

Biglang natameme ako sa sinabi niya . Ano to? balak pa niya akong iblack mail after ng mga ginawa niya saakin tsk.

Sa isang segundo kong hindi makaimik ay bigla ko nanaman narinig ang nakakinis na tawa niya .

" Akala ko itatanggi mo yun eh . Crush mo na ako noh ? " Bungisngis niya pero muling hindi ko siya sinagot bagkus ay binatukan ko siya .

" Kalalaki mong tao ang daldal mo hindi mo ba napapansin na nag sisialisan na yung mga bus . Maiiwan tayo dito! " Pikon na saad ko .

" Okay lang, tayong dalawa nalang ang mag field trip mag kasama. Ayaw mo yun , buong araw natin makakasama ang isat isa ? "

" Manahimik ka habulin mo yung last na bus nayun na umaandar kung ayaw mong ipakulam kita !"  Pag babanta ko .

" Baka gayumahin mo pa ako kahit hindi naman kailangan ..."

" Grrrrr hayst , naiinis na ako sayo! " Sabay sabunot ko sa buhok niya .

" Oo na po madam " sabay takbo nito ng mabilis na halos ikalaglag na ng hawak hawak ko na bag .

Nakapasok na kami ngayun sa natitirang bus pero ang malas ko dahil nandito ang ex ko at mas minamalas pa lalo ako kasi sa tabi pa niya ang may natitirang 2 vacant seat .   Hayst pano to ?

Kasalukuyan na akong nakatayo ngayon dahil ibinaba na ako ni darren   at sa kalagitnaan ng pag iisip ko ay naramdaman ko ang pag hawak ni darren sa bewang ko .

" Ako nalang uupo sa gitna nyo kaya huwag kanang mag alala pa ."kasabay nito ang pag sulyap ko sakanya at natagpuan ko itong nakangiti saakin .

Tumango nalang ako pero kapag hindi ko na talaga kinaya ,nako tatalon nalang ako palabas ng bus .

Nag lakad na kami pareho ni darren papunta sa vacant seat pero masyadong maalog ang sasakyan .Umaandar kasi ito kaya nang biglaan ang pag preno nito ay biglang tumalsik ang katawan ko sa hindi ko malaman kung saan dahil napapikit ako .

" Elise okay kalang ba ! "

Narinig ko ang pag sigaw ni darren at sa tingin ko siya ang naka salo saakin ngayun pero ng idinilat ko ang mata ko si jayce pala ang naka aalay saakin .

" Ayus kalang ba ? " tanong niya saakin.

Hindi ko alam kung anong isasagot pero mas pinili ko nalang tumango kaysa mag salita .

Inalalayan niya ako sa pag upo sa tabi niya at matapos nun ay umupo na rin sa tabi ko si darren .

Sa kalagitnaan ng byahe ay napansin kong pareho kaming tatlong hindi umiimik maging si darren bulag pero sino naman ang gustong umimik sa mga ganitong sitwasyon noh ? Ang awkward t*ng in* .

Habang nasa byahe pa lang kami ay napapansin ko naman si darren na pasulyap sulyap saaming dalawa na para bang gusto niyang pag hiwalayin kaming dalawa .

" Elise,kung iilang ka baka gusto mo palit tayo ng pwesto ? " Bulong saakin ni darren pero tinanggihan ko ang offer niya sa hindi ko malaman na dahilan .

Huminga nalang ako ng malalim dahil parang na so-sofficate ako . Lintek na hanggin na yan oh .

" Gusto mo kandong ka saakin? " Muling bulong saakin ni darren .

" Ayoko" pabulong na sagot ko .

Muling bumalik ang ilang segundong katahimikan ng biglang yumakap saakin si darren.

" Ano ba darren ! " pero this time hindi na ako bumulong pero parang wala naman siyang narinig .

" May pag ka cliggy pala ngayun yung new boyfriend mo " sambit saakin ni jayce na iminagukat namin pareho ni darren .

" H-Hindi ko siya boyfr..."putol na sagot ko dahil sa biglan pag higpit ng akap saakin ni darren .

Ako talaga iniinis mo darren ahh hayst

" Hindi ko siya boyfriend " straight forward na sagot ko ngayun .

" Hu-HA? Akala ko boyfriend mo siya " Gulataang sagot niya .

" I tried to explain sayo dati pero you didn't even give me a chance, kaya siguro okay na din to na nag break tayo . "

DARREN POV:

Bwiset na to ! Kahit kailan ka talaga jayce babaero ka . Pinaubaya ko na nga sayo si elise dati pero niloko mo tus ngayun parang balak mo pa siyang balikan tsk . Hindi ako makakapayag dyan .

Okay lang na masira pag kakaibigan natin huwag ko lang makita na umiiyak si elise ng dahil sayo !.

Muling hinigpitan ko ang pag kakayakap ko kay elise dahilan para lingunin niya ako gamit ng pikon na pikon na mukha niya . Hahaha ang cute niya talaga kapag nagagalit .

Ilang oras nalang daw ay malapit na kami sa destinasyon namin pero nang nilingon ko ang katabi ni elise ay mas napikon ako ng makitang nakasandal na pala ang ulo ni jayce sa balikat ni elise kaya agad akong rumuspunde . Sakto tulog pala ito kaya binalibag ko ang ulo niya papunta sa bintana para doon niya isandal ang ulo niya . Halos gusto ko pangang ihampas mukha niya sa bintana eh kung hindi lang dahil kay elise .

" Nag seselos ka ba ? " Bulong saakin ni elise .

Pero hindi ko siya pinansin bagkus idinala ko nalang ang ulo niya sa balikat ko dahil pansin ko na inaantok siya .

Kahit anong mangyare hindi talaga kita hahayaan na mapunta sa walang kwentang lalaki na yan . Sakin kalang ipagdadamot na kita mula ngayon at sisiguraduhin ko na magiging masaya ka saakin . Hindi ko na kayang makita na na hihirap , nag titiis at umiiyak ka ng dahil sakanya kaya sorry sa pagiging makulit ko . Ganito kasi ako mag mahal eh .











Love Lie Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon