CHAPTER 21

282 15 5
                                    

ELISE POV :

" Darren ? ..."

" Oh ? " Maiksing tugon niya .

" Pwede bang ta-bi tayong ma-tulog ...? "   nauutal at nahihiya kong sambit

" Bakit ? " maiksi niyang tugon.

" Natatakot ako... "

Kumalas si darren sa pag kakayakap saakin pero ako ay tuloy parin sa pag kapit sakanya .

" Babae ka , lalaki ako ... Kahit saakin delikado ka . Im just protecting you from me . "

" Pero baka pumasok ulit dito si jayce ... Mas panatag ako kapag kasama kita... kasi alam kong hindi mo magagawang saktan ako . " pamimilit ko .

" Sige ,pero sa isang kondisyon "

Napalinok ako sa sinabi niya na baka kasi iba ang hilingin niya saakin .

" A-ano yun? " Nauutal na tanong ko .

" Sa kwarto ko tayo matulog , huwag dito . Baka balikan ka ulit dito ni jayce ."

       

                

           🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵

DARREN ROOM :

Nakahiga ako ngayon sa kama habang si darren naman ay nasa tabi ko . Pareho kaming hindi umiimik at na fi-feel ko na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa . Gusto ko mag salita para sirain ang katahimikan pero natatakot akong humarap sakanya dahil baka matukso siyang galawin ako .

" Elise ? "

" B-bakit ? " Hindi lumilingon na sagot ko sakanya .

Pero hindi siya sumagot bagkus ay tumayo siya mula sa kanyang pag kaka higa sa tabi ko .

" Cr lang ako "

"S-sige "

Sa ilang segundong pag alis ni darren ay sawakas ay tuluyan na akong nakatulog .

           🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵

MORNING :

Minulat ko ang mga mata ko at kasabay nito ang pag unat ko ng aking katawan .

Ang sarap ng tulog ko grabe pero nasaan si darren ? Lumingon ako sa paligid pero hindi ko siya makita kaya naisipan kong bumaba ng kama ng may natapakan kaya aking tinuon ang tingin doon .

" Darren ? "

Nilakihan ko nalang ang hakbang ko at matapos nun ay dumapa ako pinag masdan ang mukha ni darren na natutulog sa sahig .

" Bumangon kana dyaan .Ang lamig lamig ng sahig baka magkasakit ka pa niyan . " Pero hindi niya ako sinagot siguro dahil malalim pa ang tulog nito .

" Hayst darren... " Natigilan ako ng biglang hinatak niya ako papalapit sakanya at kanya naman akong niyakap habang patuloy parin siyang sa pagtulog .hindi ko maiwasan na magulat dahil sa ginawa niya kaya akmang sisigaw na ako ng bigla niya akong ninakawan ng halik .

Nanlaki ang mata ko at kasabay nito ang pag takip ko saaking labi .

" Sira ulo ka talaga kahit kailan ! "

Na pansin ko ang pasimpleng ngiti niya na hindi maiiwasan na makita dahil mas napagawapo siya nito .

Bakit ang gwapo mo ? Ano ba ginawa mo saakin para mapansin kita ng ganito ?

" Baka matunaw ako niyan ..." Mahinang tawa nito kaya agad ko siyang binatukan ng kay lakas .

" Aray! " Sabay hawak nito sa ulo .

" Kapal ng mukha mo ! "

Muling tumawa siya ng kay lakas

" Ano naman ang tinatawa tawa mo dyaan ?! " Mataray na sagot ko .

" Sana ganito nalang tayo parati kasi ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang una kong makikita sa tuwing pag gising ko ."  Abot labi niyang ngiti na nag patunaw pa lalo ng puso ko .

" Bakit ka nga pala dito na tulog ? "

" Pansin ko kasi naiilang ka saakin at nahihirapan kang matulog kapag katabi mo ako. "

" Alam mo naman na ayokong nahihirapan ka diba ? " muling sambit niya.

Mas lalo pa nito pinakabog ang dibdib ko . Saan mo ba nakukuha yang mga salita na yan ?

" Bumanggon kana !"

" Ayoko , gusto ko ganito muna tayo ng ilang minuto ."

Parang tuluyan nang sumuko ang bandera ng puso ko para kay jayce dahil mukhang iba na ang nag mamay ari nito at ito ay si darren ...

          🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵🎵

Matapos muli ang ilang activities namin ay muling pumasok ako sa kwarto namin ni darren at natagpuan ko siya doon na nakahiga nanaman sa sahig .

Sinara ko muna yung pinto bago lumapit kay darren tinitigan ko siya ng masama .

" Bakit dyaan ka nanaman matutulog ngayong gabi ? "

" Bakit ganyan ka din makatingin saakin? Ngiti ka naman kahit minsan for me ? " Pag mamakaawa niya .

Umupo ako sa sahig at pinantayan ko ang mukha ko sakanya but this time mas sinamaan ko siya ng tingin .

" Nirerespeto kita elise at ayokong gumawa ng bagay na labag sa kalooban mo kaya please hayaan mo akong mag stay dito sa baba . "

" Si-sige ..." Ayun nalang ang ang bukod tangging naiisip kong isagot .

Matapos akong maligo at mag bihis ay dumiretso na ako sa kama at naisipan kong kausapin si darren.

" Gising ka paba ? "

" ...Oo " maiksing tugon niya

Nanatili ang katahimikan sa paligid ng ilang minuto ng muling nag salita ulit ako .

" Bakit mo ginagawa ang lahat ng ito para saakin...kasama na ang panlolo ko mo sa ibang tao ? "

Muling hindi siya nakasagot dahil siguro tulog na siya kaya pinlano ko na din matulog ng biglang ...

" Dahil mahal kita "

" Pero hindi mo ba na isip kung paano ako naging miserable ng dahil doon ? " Tanong ko .

At muling natagalan siyang sumagot

" Sorry pero pangako aayusin ko tong lahat ng maling ginawa ko sayo . "


Love Lie Onde histórias criam vida. Descubra agora