Kabanata 5

5K 178 12
                                    

KABANATA 5

"IF YOU'RE that stressed, why not let me help you? You have a lot on your plate already, Leon. At least give me a chance to lend you a hand," makahulugang saad ni Keith.

Tinapunan niya ito ng masamang tingin. "Huh? Anong sinasabi mo?"

"I mean... let me choose the engineer for my clinic, Leon."

Napapantastikuhang pinagmasdan ni Leon si Keith. Parang gusto niyang masuka lalo na sa pag-aalala nito para sa kanya. Kung suntukin kaya niya ito nang marinig ni Keith ang sinasabi niya? Kaya lang, bawal ang suntukan dito. Ayain niya kaya sa labas?

"So?" kalauna'y dagdag ni Keith, hinihingi ang kumpirmasyon niya.

Napaismid si Leon bago iniiling ang ulo. "Pakiramdam mo ba, kailangan ko ang tulong mo? Kaya kong maghanap ng engineer para sa clinic mo!"

His response seemed to throw Keith off. At least, that is how Leon could decipher from how the Keith's eyes widened and of how his lips slightly parted. Hence, Leon could not help it but to let out a hiss.

Then, Keith sighed. "Meron akong tiwala sa 'yo pero kung naii-stress ka na, I'll gladly help you out."

"Fuck off," he replied dismissively before he sat down and began to eat again. "I told you that I'd do this so let me. 'Wag kang mangialam."

"Ako ang may-ari ng klinika, Leon."

"Pakialam ko? Ako ang nag-angat ng proposal na 'to para 'di mo 'ko piliting ako ang kumuha ng proyekto para riyan."

Marahil dala ng pagmamatigas ni Leon pero kumunot ang noo ni Keith at naniningkit ang mga matang pinagmasdan siya. And Leon knows that he means no harm! It's just that, sa lahat ng tutulong sa kanya, ayaw niyang si Keith pa.

"'Di naman kita pipilitin kahit kunin ko na ang trabaho sa 'yo. And like I've said, sa 'kin ang klinika. Ang akin, mas mahalagang makapagpahinga ka at mabawasan inaalala mo," Keith reasoned out.

Hindi niya napigilang ismiran ang binata. "'Di lang naman klinika mo ang stress sa buhay ko! Pati ikaw at 'yang mga kawirduhan mo simula nang bumalik ka rito sa Pinas—'yan ang stress! Ungas ka ba?"

Dahil naiirita na siya, muntik na siyang tumayo ulit mula sa kinauupuan. Kung hindi lang dahil sa mga matang kanina pa nakamatyag sa kanila ni Keith dahil kanina pa sila nagtatalo, baka iniwanan na niya ang isang ito. Pero hindi! Mamaya na lang. Iinom na muna siya ng tubig at kakalma nang makasagot ng natural.

And again, Leon knows that Keith is just concerned but he does not need it!

Despite these thoughts, however, Leon felt something caress his heart. Kung hindi lang talaga siya nandidiri dahil si Keith ang dahilan noon, baka tumalon na siya sa tumawa. But instead of doing that, he only threw daggers at Keith who ate his lunch rather begrudgingly.

Sandaling namangha si Leon sa pagkakabusangot ng binata. Iba kasi ang pagkakakilala niya kay Keith. Kalmado at palaging nakangiti. Kaya ang refreshing na nakikita itong naiinis, nasisiphayo, o nagagalit dahil sa kanya?

But at the same time, it scares him. Annoying as it may be, an angry Keith scares him.

"Fine, I'll pick the final three and you decide which one will do the job," pagsuko niya, dahilan para matigilan si Keith at mag-angat ng mga kilay.

Marahil dala ng pagkagulat o ng tuwa? Ayaw nalang isipin ni Leon.

"Kailan?" tanong nito, na siyang nakapagpakibit balikat sa kanya. "Can I set the date?"

"Seriously? Gusto mo bang bawasan stress ko o dagdagan?!"

"No, just think about it. The sooner, the better.  Kasi mababawasan agad ang loads ng trabaho mo, Leon."

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon