Kabanata 33

2.5K 117 43
                                    

KABANATA 33

KEITH had never seen Leon so distressed until recently although, he seemed happy and contented around him. Sometimes, fear would glint on those beautiful gray eyes that Keith couldn’t help it but to stare and figure out what was worrying his baby.

Isa sa mga araw na iyon ay ngayon. Halos magpalunod si Leon sa paglalaro ng Mario Cart, hindi siya papansinin kung hindi niya kauusapin. Kung hindi naman siya magpaparamdam, ipipilit nitong tumabi sa kanya.

In the end, Keith decided to sit behind Leon and snake his arms around his waist while he rested his chin on Leon’s shoulder and peppered his neck with butterfly kisses.

“‘Wag kang magulo Keith, matatalo na ‘ko rito,” ani Leon na medyo gigilid-gilid pa na parang sinasabayan iyong karakter niya sa nilalaro. “Punyemas na pagong!”

“Wala naman akong magawa bukod sa lambingin ka. Ayaw mo yata akong kalaro.”

Sinadya ni Keith na bahiran ng pagtatampo ang boses niya bagamat wala talagang laman ang pang-aakusa niya. Gusto lang niyang asarin ang binata ngunit nang iabot nito sa kanya ang isa pang joystick, nabigla siya at mahinang natawa.

“Basta ‘wag kang aalis diyan sa likuran ko. Babatukan talaga kita,” banta ni Leon.

Humimig si Keith at hinalikan ang pisngi ni Leon. Nitong nakaraan at napapalapit sila sa isa’t isa, malayang-malaya niyang naipapahayag ang pagmamahal para kay Leon sa dalawang paraan: through service and words. Lalo na at hindi tulad noon na nagagalit si Leon, mananahimik lang ito at magtatago dala ng pagkapahiya.

He likes this serenity with Leon, but he is also worried.

“Is there something bothering you?” tanong niya nang isandal ni Leon ang katawan sa kanya. “Nitong nakaraan, para kang napa-paranoid.”

“Trabaho lang,” Leon replied dryly. “Magulo lang mga kasama ko sa trabaho no’ng minsan.”

“Why?”

“They were accusing me that I’m involved in someone else’s break up. Ni wala na nga ‘kong pakialam do’n sa babae. I used to admire her back then, but now? Meh.”

Natahimik si Keith nang marinig ang kwento ni Leon. Something inside his stomach churned and he felt numb. Para siyang masusuka na ewan dahil may kung ano sa lalamunan niya na parang nagbabadya na lumabas.

“Alam naman nilang ‘di ko rin kinakausap kaya naeewan akong pumasok nitong nakaraan,” mapait at naiirita nitong sabi.

Keith hummed. “Baka naman may gusto na rin sa ‘yo kaya sinasama ka sa gulo?”

“And that’s on disrespecting me. Maloko ako Keith, pero ‘di ko naman gustong maging homewrecker o maging third party.” Leon snapped his fingers. “Plus I’m too busy being with you. Why would I spare a single glance on their problem?”

Ah, puta. Kasalanan ba kung matutuwa siya’t kikiligin? Dahil ganoon ang nararamdaman niya habang pinapakinggan si Leon na ilatag ang mga dahilan kung bakit imposibleng sangkot siya sa isyung kumakalat sa trabaho nila.

Sa kanya ang atensyon ni Leon ngayon, sa kanya lang ito nakatingin. Napapansin ito ni Keith pero ayaw niyang paasahin ang sarili dahil baka nag-aangat lang siya ng sariling bangko. Pero ngayong naririnig niya ang mga salitang ito kay Leon, naiisip niyang mayroon siyang pag-asa.

Hindi na malabo at hindi na rin imposible.

“Yeah. I believe you,” Keith replied as soon as he planted a chaste kiss on Leon’s cheek. “You’re spoiled but you won’t go that extreme.”

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon