Kabanata 20

3.3K 119 45
                                    

KABANATA 20

WHAT Leon got from the package were two bottles of Redstone wines. Kunot noo niya iyong pinagmasdan. Inobserbahan at inikot ikot pa sa kamay habang itinatanong sa sarili kung anong sumapi sa kuya niya para padalhan siya ng ganitong klase ng alak.

After all, his brother isn’t someone to buy him these... expensive wineries. Nasaniban ba iyon ng multo? Kasi ang akala ni Leon, mga souvenir mula sa Canada ang ipinadala sa kanya tulad ng nakasanayan. O hindi kaya condiments na magagamit niya sa kusina. Kaya nga rito niya pinadiretso si Keith.

“Seriously?” namamangha niyang tanong sa sarili.

Dahil abala siya sa pag-oobserba, hindi niya na binigyang pansin ang anino ni Keith na lumitaw mula sa likuran niya. Though, he did take a quick glance over to his side, but it was not enough to actually see Keith's figure. Basta, nasa likuran niya ang binata.

“Nice. Akala ko pa naman tatandang madamot ‘yong Kuya mo. To think that he’d give you those wines.”

Yeah... that’s what he is thinking too.

Hindi naman talaga masyadong mahal ang redstone kung ikukumpara sa ibang alak pero hindi naman si Leonardo ang tipo ng tao na pagkakagastusan siya ng ganito. Kahit magkapatid pa sila.

Also... hindi ba masyadong malapit si Keith? King ina, ang bango niya. Nadi-distract si Leon. Kailangan pa niyang ipikit ang mga mata at huminga ng malalim para ikalma ang sarili! Shampoo ba iyon o iyan talaga amoy ni Keith?

Kalaunan, inilapag niya sa lamesa ang bote ng alak. “Hm, baka si Ate ang namili at ‘di siya. But why wine, though? These costs twenty-five bucks. Imposibleng gumastos ‘yon ng malaki para sa ‘kin.”

Hindi naman si Aaron ang kuya niya, ano. E iyon, bibilhan pa ng eroplano si Ridge kung hihingin lang nito.

“‘Di mo ba alam na na-promote iyong Kuya Nards mo sa trabaho?” tanong ni Keith.

Napaismid siya. “Really. Kaya siguro magarbo regalo.”

“I heard that he’s calling you, though.”

Of course, he did! E bukod sa kanya, si Keith ang madalas tawagan nitong Kuya Leonardo niya! Bwakanang shit, iniisip niya minsan kung siya ba talaga ang kapatid e.

“‘Di mo sinasagot?” dagdag tanong ni Keith.

Pasimple siyang ngumuso at sumandal sa lamesa. “Well, it’s not like I wanted to ignore him. I was busy.”

“Doing what?”

Kumibot ang isang kilay niya at tinapunan ng masamang tingin ang binata. Pakshet, ang lapit pa rin niya. Anyway, tumikhim siya’t inasikaso muna ang pangalawang bote ng Redstone wine.

Anong sasabihin niya kay Keith? Na nagri-research siya tungkol sa gay sex dahil gusto niyang maka-hit ito? King ina, patayin na lang siya kapag gano’n! Ekis.

“Trabaho,” simpleng sagot niya. “Tapos pahinga. Pwe, ayokong naiistorbo sa resting hours ko.”

Napahimig si Keith. Mabuti na lang at hindi na nito naisip pa na magtanong. Sa halip, pinanood na lamang siya nito na iligpit ang mga bote ng alak na natanggap niya sa kuya niyang kuripot. Pero isa lang ang itinago niya. Ang isa, nasa lamesa pa rin.

After all, if he’d want Keith to do something to him, he has to be drunk so that he’d have the bravery to seduce and spread his legs for him. His guards has to be at its lowest so that Keith would give in.

“You’re not keeping the other?” nagtatakang pag-uusisa ni Keith nang mapansin ang ginawa niya. “I thought you’ll be resting?”

Nanatiling nakahawak si Leon sa pinto ng cabinet. Shit. Kinakabahan siya. Sinandal niya ang noo roon at huminga ng malalim bago hinarap si Keith. Iyon lang, hindi niya na nai-compose ang sarili at aksidenteng nahayaang makita ni Keith ang pamumula ng mga pisngi niya dala ng hiya.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon