Kabanata 53

1.9K 103 27
                                    

KABANATA 53

BWAKANANG SHIT. Trip ba siya ng buong Canada? Bakit parang laging hinahatid sa kanya ang isang ‘to? Sadya yatang sinasampal sa kanya ang pagmumukha ni Keith Gaviola?

Ang buong akala pa naman ni Leon e matapos nilang magkita noong isang gabi, matatahimik na ang buhay niya at makakahanap na siya ng kapayapaan sa wakas. Pero syempre, niloloko niya lang ang sarili dahil ngayong Sabado ng umaga, pagkagising niya, walang ibang bungad sa kanya kung hindi si Keith Gaviola na nakaupo sa isa sa mga couch sa sala ng pamamahay ng Kuya niya. Nakaupo rin sa gitna ng mga hita nito si William at bagamat dapat e nakikinig itong ipaliwanag ng pamangkin niya ang tungkol sa laruan nito e napukaw din niya ang atensyon ng binata.

And now they’re staring at each other, both wide-eyed.

‘What the fuck is happening here?’ Ito na ba ang naisip na Christmas gift sa kanya ng Diyos? Na tutal pinuntahan niya rito si Keith, pupwede nitong isampal nang paulit-ulit sa kanya ang binata? ‘Ang pangit naman mamili ng regalo, punyeta.’

Sampung minuto pa lamang ang nakalilipas mula nang maisipan niyang tumayo sa kama dahil nga... pasko at tutulong sana siya sa pagluluto ng ibang handa na ngayon pa lang gagawin tapos... ito?

“Good morning,” kaswal na bati sa kanya ni Keith bago siya nito tipid na tinanguan.

Nilingon siya ni William nang malamang binabati pala siya ni Keith. “Good morning, Uncle!”

“Yeah...” King ina, anong good sa morning? “Good morning, Liam. Excuse me.”

Malalaki ang mga hakbang na tumungo si Leon sa banyo. Mabilis niyang isinara ang pinto pero hindi sapat para bumagsak iyon at gumawa ng hindi kaaya-ayang ingay.

For a brief moment out there, he almost forgot how to breathe. Anong ginagawa ni Keith dito sa bahay nila? Wala siyang maalala na imbitado ito pero ang alam niya, may bisita ang Kuya niya dahil iyon ang unang tinanong sa kanya pagkarating niya rito— sandali nga. H’wag namang sabihin sa kanya na si Keith ang bisita?!

“What the fuck?!” namamangha niyang sigaw habang pinagmamasdan ang gulat niya ring repleksyon sa salamin. “Kaya pala ‘di sinasabi sa ‘kin kung sinong bisita!”

Pero kung aalalahanin, parang wala siyang maalala na nagtanong din siya. Inisip niya lang na dahil kaibigan ni Leonardo at imposibleng si Keith ang iimbitahin nito dahil nga... may babae na ito dati pa, hindi naisip ni Leon na rito magpapasko ang isang iyan dahil hindi ba dapat, ang prayoridad nito e ang reserba nitong babae?

Napahilamos siya ng mukha. “Anong gagawin ko? ‘Di ko alam kung anong gagawin ko, king ina.”

Tinakpan ni Leon ang kalahati ng bibig at hinayaan ang sariling lamunin ng katahimikan. Shit. Paskong-pasko pa naman pero mukhang aalis na lang siya’t sa labas na lang magse-celebrate. So much for spending the time with his family, no?

*

ANG AWKWARD, king inang ‘yan. Hindi maalala ni Leon kung bakit nasa sala rin siya ngayon at nakaupo hindi kalayuan sa couch na kinaroroonan ni Keith. Sa pagkakaalala niya, maghahanap siya ng pagkakaabalahan nang makaiwas dito at hindi magkaroon ng direktang kontak dito pero pagkalabas niya ng banyo kanina, sinundan siya ni William at hinila sa sala. Ang sabi ng pamangkin niya e ipapakilala sila sa isa’t isa at dahil ayaw ni Leon na mapahiya ang pamangkin niya, sumunod naman siya.

But he knows Keith more than what William thought.

Shit. Hindi naman dapat siya nandito kung natulog lang siya nang maaga kagabi at hindi nakipagpuyatan na makipaglaro kay William. Kung alam niya lang, edi sana hindi siya magpapakaasungot na alas tres natulog.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon