Kabanata 54

1.9K 101 22
                                    

KABANATA 54

MADALING ARAW NA noong maisipan ni Leon na umuwi. Ang plano niya talaga e matulog sa hotel pero naalala niyang naririto ang mga gamit niya. Kung magpaplano siyang umalis at sa ibang lugar na mag-celebrate ng New Year, kailangan niyang ayusin ang mga gagamitin. Buong byahe, iniisip din niya kung naglaba rin ba siya. Sa isang araw na pala siya aalis, maglalaba muna siya bukas.

Ang akala ni Leon, nakauwi na si Keith dahil kanina pa naman itong umaga sa kanila. Imposible na manatili iyon hanggang ganitong oras. Kaso, pagdating niya sa harap ng bahay e halos masamid siya nang makita ang binatang halos kalalabas lang din mula sa kanila. Napangiwi siya nang mapagtantong ngayon pa lamang ito uuwi at sa lahat ng pwedeng mangyari, talagang nagkasalubungan pa silang dalawa.

Pareho silang natigilan. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa isa't isa at nagdidebate si Leon kung lalamunin niya ang pride at iiwas o hahampasin ng tubo si Keith sa mukha.

"Akala ng Kuya Leonardo mo, 'di ka na uuwi." Tulad ng dati, si Keith ang unang bumasag sa katahimikang namutawi sa pagitan nila. Hindi niya alam kung siya lang pero mukhang irita na naman itong makita siya.

Edi magkairitahan sila.

Imbes na pansinin si Keith, tinalikuran niya ang binata at naisipang umalis. Doon na lang pala siya sa likod dadaan. Kung hindi, edi gawin na lang niya iyong nakasanayan niya, magmala-ninja sa bintana ng kwarto niya nang makapasok sa loob.

"Sa'n ka na naman pupunta?" habol na tanong sa kanya ni Keith. Nakasimangot niya itong nilingon at ibinuka niya ang bibig para sumagot ngunit bago pa man siya makapagsalita, pinangunahan siya nito. "Lalayo na naman sa 'kin? Bakit?"

He rolled his eyes Heavenwards. "Obvious naman pala. Ba't ka pa nagtanong?"

Magpapatuloy na sanang maglakad paalis si Leon nang muling magsalita si Keith.

"Why are you so eager to avoid me? 'Di ba, ikaw ang naunang manakit?" tanong nito.

Inboluntaryo pero namamangha niya itong nilingon. "Anong ako? Putang ina—"

Bago pa man niya matapos ang sasabihin, naitikom niya ang bibig. Sandali... Kapag sinabi niya kung bakit siya ganito umasta't nalaman ni Keith ang dahilan kung bakit ganito siya simula't sapul, parang sapak iyon sa kanya dahil magkakaroon ito ng advantage. Isa pa, magiging failed ang plano niya na habang buhay itago kay Keith kung ano ba ang mga kagaguhan nito.

Hindi lang naman siya ang mali rito, e. Kung hindi lang din sana ganito si Keith, edi sana... Maayos silang dalawa. Kahit dati. Ayaw niyang malaman ni Keith dahil baka siya na naman ang madehado. King ina. Ano, cycle 'to?

Pahuhulugin siya, siya naman itong tangang mahuhulog, tapos biglang may pabomba si Keith? Sasabihan siyang mahal siya tapos kinabukasan, may dalang iba? Putang ina naman. Kung sanang dati lang ganoon, kakalimutan niya kaso naulit na naman?

Humigop nang malalim na hininga si Leon at muli lamang pinasadahan nang tingin si Keith. Nang makuntento siya, nagpatuloy lang siya sa paglalakad paikot ng bahay. Manggigising na lang siya kung nakasara na ang likuran. E kung hindi ba naman kasi dumaan si Keith doon, edi sana ayos.

Kaso demonyo, sinundan pala siya.

"Leon," mariing tawag sa kanya ni Keith.

Madaling araw na, gusto ba nitong gumawa ng eskandalo sa labas?

"Leon, kinakausap kita," dagdag nito.

Napaismid siya't parang batang tinakpan ang mga tenga. "Lalala! Wala akong naririnig. King ina, ikaw na mismo nagsabing ako naunang manakit, ba't ka pa sumusunod?! May unfinished business ka ba?!"

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon