Kabanata 62

2.2K 138 31
                                    

KABANATA 62

TIKOM ANG BIBIG na pinanonood ni Leon si Keith na mag-ayos ng mga gamit niya sa ospital. Kanina pa kumikibot ang kilay niya, lalo na nang iwanan sila ni Leonardo dahil kukuha raw ito ng mga damit sa bahay. Nagmamadali kasi itong pumunta rito kasama si Keith nang marinig ang balitang muntik siyang pag-trip-an ni Elisa. Kahit nakakauwi naman ang mga ito dahil nag-take over daw si Zamiel at Ridge, hindi nakapaghanda ang dalawa noong magising siya.

Well, anyway... It’s not a problem. Ni hindi nga inisip ni Leon na magigising pa siya.

Pero anong ginagawa nito rito? Sa pagkakaalala niya, nagmakaawa siya na layuan siya nito, a? Naguguluhang sumimangot si Leon at nang marinig niya ang mahinang pagkalansing ng plato’t kutsara sa direksyon ng binata, roon niya naituon ang atensyon niya.

Apparently, he’s still bedridden. Not exactly. Pupwede pa rin siyang tumayo’t tumakbo mula kay Keith. Nanghihina lang talaga siya dahil halos kagigising niya lang. Sa pagkakaalala niya, muntik lang naman siyang malason pero bago pa man siya makaalis mula sa table nilang dalawa, alam niyang nawalan siya ng malay. Boses na yata ni Zachariel ang huli niyang narinig bago siya na-knock out nang tuluyan.

Then boom— oh, shit.

Napaatras si Leon nang makitang naglakad palapit sa kanya ang binata. Kaso, bed rest lang ng hospital bed ang pumigil sa kanya kaya napamura siya. Samantalang si Keith, bumuntong hininga lamang sa ginawa niya.

Maybe Keith thinks that he’s stupid or childish. Maybe he thinks that he’s too rash and won’t stop until he gets a taste of his own medicine which... is unfortunately true. He inwardly groaned.

“Mga kaibigan mo ang nag-asikaso sa ex-girlfriend mo. You suffered from poisoning but fortunately, nothing too serious happened to you. Madalas kasama si Leonardo dahil kakasuhan nila si Elisa. Pati iyong Jay na kausap mo bago ka nilason, kasama niyo,” Keith explained.

The man stared at him intently. Sa sobrang intense ng pagkakatitig nito sa kanya, pinikit ni Leon ang mga mata at pinakiramdaman kung paano ito maghukay ng butas sa ulo niya. He made grumbling noises. Hindi siya kumportableng pinagmamasdan siya nito at tila ba tinatanong ang life decisions niya. Ayos na si Ridge, e. Kaso dumagdag pa si Keith na parang kung pupwede lang, itatali siya.

He was... trying to break up with Elisa peacefully! Ano bang malay niya na malakas ang loob ng isang iyon at sa harap ng publiko siya susubukang patayin? He didn’t know that she’s been watching over him and Jay. Para nga siyang binuhusan ng malamig na tubig nang banggitin nito na may nangyari sa kanila ni Keith sa Canada bago siya nawalan ng malay.

So, she was there... Ni hindi man lang napansin ni Leon sa t’wing kakausapin niya ito.

“Seriously, you’re so...” Keith trailed off before he sighed. Tila ba ito na ang sumuko dahil alam nitong hindi siya makikinig dito. “Kumusta ang pakiramdam mo?”

Naimulat ni Leon ang mga mata nang nag-aalala siyang tanungin ni Keith. He can’t help but stare at the man in disbelief, but when he took a step forward, he flinched.

Halos kumapit si Leon sa bed rest nang umupo si Keith sa dulo ng hinihigaan niya. “Anong ginagawa mo rito? ‘Di ba sinabi ko na sa ‘yong gusto kong magsimula ng panibagong buhay na wala ka?”

Bakit ba siya naghahanap ng away e halos kagigising lang niya? Hindi nga niya alam kung gaano katagal siyang tulog basta natataranta lang na umalis si Leonardo nang makitang mulat na ang mga mata niya tapos tumawag lang sandali ng doktor ‘tsaka umalis. Basta, parang whirlwind ang buhay niya noong magising siya.

“‘Yan ba talaga dapat ang concern natin ngayon imbes na malaman ko kung maayos na ba ang pakiramdam ko? Le, what if I have to call a doctor?” naniningkit ang mga matang tanong ni Keith sa kanya. Mangha pa yata ito dahil nakakuha agad siya ng lakas ng loob na awayin ito.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon