Kabanata 44

2K 100 25
                                    

KABANATA 44

BWISIT SI Keith Gaviola. Totoo naman ang sinabi nito na may balak si Leon na iwanan ang binata pero sa panahong ito, pakiramdam ba ni Keith e kaya pa niyang gawin iyon? Ha. Nadidismaya siya dahil handang-handa na pala si Keith kung sakaling hindi mag-work out ang kung anong meron sila.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Leon. Alam niyang hindi niya masisisi si Keith dahil ibang klase rin siya, ‘tsaka base sa situationship nilang dalawa ng binata, hindi ba siya ang mismong nagsabi rito na kahit kailan e hindi iihip ang hangin sa direksyong nais nito?

Ukinam, siya talaga ang may sala kaya wala siyang karapatang magalit... pero galit siya kasi kung kailan napagtanto niyang ayos lang mag-adjust para rito, ‘tsaka naman ito tinamaan ng saltik.

“Bad trip,” bulong niya sa sarili bago nasapo ang noo at umubob sa lamesa sa opisina.

Martes noon at kahit ayaw niya, mayroon siyang meeting na kailangang daluhan.

Moreover, the meeting was not really the main reason why he feels like strangling someone. Of course, it had to be Keith!

“Gusto ko siyang sakmalin!” nasisiphayong sigaw niya ngunit mahina ang boses niya. Sapat lang para sa buong opisina lamang niya mag-echo ang boses niya’t hindi lumusot sa labas. “Gago ba siya?! King ina, mula dati ganito siya! Ipinanganak ba talaga siya para bad trip-in ako?!”

Kung alam niya lang sana na magiging ganito ulit si Keith e sana, hindi na siya nagkainteres dito! Gago, ang daming ibang lalaki sa tabi! Bakit ba ito pa ang napili ng katawan niyang pag-trip-an?! Ano naman kung ang kasama niya noong naranasan niyang makipag-make out sa lalaki e si Keith?! Maraming iba na pwede niyang tapunan ng kuryosidad niya!

Hindi na niya alam kung anong gagawin. Bakit ba kasi ganyan si Keith? Tipong may life plan nang naka-stretch out kung hindi talaga titino si Leon.

Gago... ang sakit.’ Ibig sabihin, may babae na itong nakareserba talaga.

Kasi siya? Kahit nakikipagkita siya kay Elisa, hindi niya naisip na ipagpalit si Keith para rito. As evil as it may sound, Leon just really Elisa to kill time while Keith wasn’t around. Pero hindi pisikal. Ni hindi nga niya masikmurang kausap si Elisa. Gusto lang talaga niya ng kausap noong wala si Keith, kaya ngayong bumalik ito galing sa sandamakmak nitong gala e isinuka na niya ang dalaga.

It wasn’t in his plan to date her since he realized that he’ s into Keith.

But... what if Keith was meeting with his woman while he was attending his business trips? Paano kung siya e gusto lang ng kausap pero ito, abala nang magplano ng buhay nito kasama ang iba?

Naitikom ni Leon ang mga labi’t napaismid. Tang ina, gusto talaga niyang manapak.

Siya ba talaga iyong chick boy sa kanilang dalawa o si Keith na mukhang planado na ang buhay sa oras na wala na siya? Tang ina. Sa sobrang bad trip niya, alam niyang hindi siya makakapag-focus sa trabaho ngayong araw na ito. Gusto niyang mag-early out pero malapit na siyang maka-receive ng love letter galing HR tungkol sa tardiness.

Natigilan si Leon sa pag-iisip nang mayroong kumatok sa pinto ng opisina niya. Nag-angat siya ng tingin para titigan ang pinto. Inaalisa kung sino ba bukod kay Remi ang iistorbo sa kanya. Nang maisip na posibleng isa sa mga kliyente iyon at maaga lang na dumating, kaagad na bumuntong hininga si Leon.

“Come in,” was all that he could say.

But he immediately regretted that decision when the person who opened the door was neither Remi or any possible client that he planned to meet today. It was Keith.

Dangerous Addiction (BxB, 2022 COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon