#46 Kung pwede lang

15 2 0
                                    

Kung pwede lang

Madaming salita
ang pwede makonekta sa salitang
Kung pwede lang.
Maraming letra
Ang gustong sabihin
Pagtapos ng
Kung pwede lang.

Kung pwede lang na tumakas
Sa mundong mapaglaro
Na parang nakatira tayo
Sa mundong husgado
Sa mundong
Hindi pantay ang pagtrato.

Kung pwede lang
Na tanungin si kupido
Para kung sakaling hindi tayo
Ay pipilitin natin siyang ipana
Ang pagmamahal sa puso
Ng dalawang gusto
Magkasama sa panghabang buhay.

Kung pwede lang
Na umalis kung saan nakakulong
At puntahan ka't yakapin ng mahigpit
Halikan ng makapit
At sabihin ang salitang
mahal kita, sinta ko.

Pero napagtanto ko na
'Di lang dapat tayo
Kumakapit sa salitang
"Kung pwede lang"
Kundi dapat pinagtratrabauhan
Natin ang isang pagmamahalan,
Kung gusto nating umabot
Hanggang sa kamatayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Paano Umibig Ang Isang Makata?Where stories live. Discover now