#38 Magsusulat ako

5 3 0
                                    

Magsusulat ako
Sa taong nag papawi
Ng bawat luha
Saking mga mata.
Sa minsang taong
Nagpasaya
Nagpatawa
At nag bigay muli ng
Pag asa.
At kung sino man
Ang taong lagi kong
Sinusulatan
Ipapangako ko sa sarili ko
Na gagawin ko ang lahat
Para ako'y mapasakanya.
Kahit na ang manunulat
Ay napakahirap mahalin
Intindihin, pakisamahan
At pagkatiwalaan
Pero ang taong
Makakatanggap
Ng tulang ito
Siya ang taong
Tumanggap
Kung sino man ako.
Siya ang taong
Minahal ako
Kung sino man ako.
Kaya minsan
Napaisip ako
Na ang swerte ko na
Sa taong ito,
Na kahit na minsan na siyang
Nasugatan sa mga kahapon,
Sa mga taong sinugatan
At pinatay ang pagmamahal
Na pwede niyang ialay.

Sa bawat tula
Na ginagawa ng
Mahal niyang makata
Gagawa ako ng Istorya
Na kami lang dalawa ang bida.

Mahal kita.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon