#18 Ang kwento ng pangalawang pagkakataon

19 6 0
                                    

Minsan na akong umibig
At minsan na rin akong nasawi
Pagkatapos kong maiwanan
At masaktan
Iniwas ko ang sarili ko
Sa pagmamahal,
Pagmamahal
Na kaya kang saktan
Na kaya kang iwanan.
Naging madilim ang mundo ko
Naging bato ang puso ko
Nalungkot ako.
Sa bawat umaga na pag gising
Laging sinasabi sa sarili
Ang salitang, 'di na muli.

Pero lumipas ang panahon
Nakilala kita
Nakilala ko ang isang tulad mo
Ngunit 'di naging madali ang lahat,
Ikaw pala ay may natitipuhan ng iba,
Kwinento mo pang mukha siyang koreano
Lagi mo siya pinag mamalaki
Dahil siya ay gwapo
Na iyong tipo.
Na nagiging sanhi ng pagkasawi ko
Di ko alam anong meron sayo
Bakit ako sumugal?
Sa taong di ako kayang panindigan
Pero nung isang araw, sinabi mo na sakin
Na wala akong pag asa sayo
Dahil meron nang nag papasaya sayo.

Nasawi ako sa panahong iyon
Akala ko tapos na
Sinisi ko ang sarili ko
Bakit ako nag pa ka tanga sayo?
Bakit ako sumugal?
Sa relasyong walang kasiguraduhan
Kung saan patungo.

Lumipas ang oras, araw, at buwan
Muli nanaman kitang nakita
Nag tanong ako sa sarili ko
Kaya ko pa ba?
Muli nanaman ba?
Susugal nanaman ba?
Kinausap kita
At don nag simula ang kwento
Ng ating pagmamahalan
Binigyan mo ng kulay
Ang buhay ko
Akala ko ay wala na
Akala ko di na
Pero ikaw ang nag patunay
Na mas maganda ang relasyon
Sa pangalawang pagkakataon.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Where stories live. Discover now