#22 Pangalawa

8 5 0
                                    

Salamat sa tyansa
Salamat sa pagkakataon
Na ako'y muling pagbigyan
Para pag dumating ang pagkakataon
Na pwede na ay may babalikan pa,
May masasandalan pa,
May maiiyakan pa,
May mapagsasabihan pa.

Salamat sa pangalawang pagkakataon
'Di ko inakalang pwede pa
'Di ko inakalang
May tao pang kayang
Tanggapin ano at sino ako.

Alam kong mahirap at masakit
'Di bali nang 'di mo ko gusto
Ang mahalaga pinagbigyan mo ko.

Walang sasayangin
Walang papabayaan.
Para ang pangalawang pag kakataon
Ay 'di masayang at 'di mabasura
Ang wagas na pagmamahalan.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant