#30 Ang Kahit at Ang Sana

10 4 0
                                    

Kahit na 'di sapat para sayo,
Kahit na di ako karapat dapat
Sa pagmamahal mo,
Sana tanggapin mo parin ako
Sana mahalin mo parin ako
Kahit na minsan masyadong
Pangit ang ugali ko para sayo
Sana ako parin ay para sayo.

Sana di magbago
Ang wagas na pagmamahalan
Na ibinigay mo sakin noon
Na hanggang ngayon
Ay namumutawi pa sa mga mata mo.

Kahit na minsan ay nakakapagod na,
Intindihin ang isang tulad ko,
Sana ay maging tayo parin
Hanggang sa dulo.
Kahit na minsan ako
Ang iyong dahilan
Ng pagkalungkot at pag iyak mo,
Sana kahit minsan napatawa at
Napangiti kita
kahit pa sa pinakamaliit na paraan.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Where stories live. Discover now