#20 Pipiliin kita

11 6 0
                                    


Lumipas na tatlong linggo
Tayong magkasama
Puno ng kwentuhan
Biruan, at tawanan
Punong puno ng kasiyahan
Kapag ako'y iyong sinasamahan.
Ikaw ang nag pasaya
Sa mundo kong
Isasantabi ko muna
Mundong puro kadiliman
Kasinungalingan, at kasuklaman.
'Di na alam kung nasaan
'Di na alam kung kelan.
Pero sa bawat na minumulat ko
Ang dalawang mata ko
Lagi kong sinasabi sarili ko
Na pipiliin kita sa araw araw
Dahil ikaw nalang
Ang nag sisilbing araw
Sa mundo kong wala ng ilaw.
Ikaw ang taong pumuno
Ikaw ang taong pinaramdam
Na espesyal at mahalaga akong tao.

Pipiliin kita
Maging sino ka man
Kung ano man.
Dahil pinili mo ko
Pipiliin rin kita sa
Bawat araw.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Where stories live. Discover now