#35 Patawarin

3 3 0
                                    

Maraming tanong, maraming iniisip
Maraming misteryo
Minsan sila ay nagtatago
Minsan sila ay nakatakip
At walang mukha.
Walang emosyon
At punong puno
Ng kadiliman
Ang bawat sulok.
Nakaluhod at sinasambit
Ang salitang patawad
Patawad dahil muling nagkamali
Nalunod sa sariling tubig
Namatay sa sariling apoy
At hindi na muling nasilayan
Ang bawat ngiti
Ang bawat araw na naka singit
Sa mga tinig na naiipit
Patuloy ang pagkapit
Kahit sa patalim ako'y didikit.
Dahil minsan ang pagmamahal
Ay kailangan inalalayan
Ng sakripisyo.
Para masabi ito'y tunay at wagas.
Na Walang liwanag ang sisikat
Sa kadiliman ng lalaki
Sa bawat tulo
Lagi itong may gulo
At sa bawat pag papatawad
Ay lagi siyang nalulunod.
Na kahit sya'y nakaluhod
Siya ay kinaiinisan ng
bawat taong dumaraan
Ngunit naka tingin lamang siya
Sa isang taong inayawan siya
Sa isang taong minahal siya
At Sinambit nya
Ang mga katagang patawad
Sa isang taong ang dahilan ng pag ulan
Ay Dahil sa ulap na unti unti niyang inuusog
Upang madiligan ng maayos
Ang isang misteryong sementeryo.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon