#43 'Di ka nag iisa

6 3 0
                                    

Masyadong magulo ang mundo
Maraming tao ang mangiiwan
Maraming bagay ang 'di permanente.
Pero ako na dumating sa buhay mo
Tutulungan kita,
Sasamahan kita,
Sa mga bagay na takot ka pumunta
Bubuksan ang bawat ng sulok ng mata
At sabay titigan ang ganda ng sandaling
'Di mo nakita.
Dahil habang ako'y iyong kasama
Pangako ko
Magiging masaya
Wala kang iisiping problema

Lagi ako nandito para sayo
Handang makinig sa lahat ng galit mo,
Iintindihin ang bawat lungkot mo,
Papatahanin sa bawat pag iyak mo,
At muli kang patatawanin, mahal ko.

Paano Umibig Ang Isang Makata?Where stories live. Discover now