14th Hunt: First Day of Tournament

2.1K 107 38
                                    

Opisyal nang nagsimula ang Kill for Will Tournament. Mahigpit ang patakaran nila bago pa man makarating sa isla. Libo na agad ang nabawas sa players, wala pa man sa pagdarausan ng laban.

Limitado ang lamang armas ng loot bag. Basic weapons kung tutuusin, dahil isa naman sa rules ay nasa loob at nakakalat sa mismong isla ang magagamit nilang armas at sila na ang bahalang humanap niyon.

Walang communication devices kaya oras na magkahiwa-hiwalay, tsambahan na lang kung magkakitaan pa ulit. 15 kilometers ang lawak ng isla. Nahahati iyon sa bahagi ng baybaying-dagat at buhanginan, sa gubat, sa talon, sa may bangin, at sa burol sa puso ng isla.

Nasa iisang lugar lang ang mga Numeros at Alphabetas bago pa magsimula ang umaga pero sa loob lang nang isang oras, kalat-kalat na ang mga ito para habulin ng mga kadarating lang na mga player.

May lumilipad na drones sa ere at hindi iyon bababa sa dalawampu. Nagkalat din ang mga camera sa bawat puno. May speakers sa matataas na puno ng niyog at sa ilang bahagi ng bangin para marinig ng lahat ang kahit anong announcement. Tatagal nang 100 hours ang laban, katumbas ng kulang-kulang limang araw. Pinakamatagal sa kasaysayan ng Annual Elimination.

Umaalingawngaw ang kaliwa't kanang pagsabog sa iba't ibang panig ng isla. Wala silang alam kung sino-sino ba ang may gawa niyon, o kung gaano na ba karami ang nabawas sa mga player dahil doon.

Hindi naranasan ni Max na sumali sa Annual Elimination dahil hindi naman siya naging agent, pero alam niyang lumiliit ang pag-asa niyang makalabas sa islang iyon nang buhay.

Sinasabi ng iba na kung sila-sila ang magpapatayan, pinalalampas lang nila ang pag-asang malabanan ang mga dapat nilang hulihin.

May timer na nag-a-announce kung gaano katagal nang umaandar ang laban.

"95 hour remaining; 6,746 players remaining, 10 prizes remaining," anunsyo ng boses sa kung saan.

Limang oras pa lang ang nakalilipas ay halos kalahati na ang players na nalalagas.

Hindi sa nagpapakaduwag si Max pero masyado pang marami iyon para sagupain niya isa-isa.

Sa gubat dumiretso ang halos lahat ng kasabayan niya, pero mas pinili niyang tunguhin ang direksyon ng bangin sa kanang direksyon ng pinanggalingan.

Takbo lang siya nang takbo hanggang sa makaabot sa parte ng isla na pulos matutulis na mabato at mas malakas ang hampas ng alon.

Madilim pa rin ang langit at umaambon. Halos mabasa na ang suot niyang V-neck shirt na pula at bumibigat na rin ang suot na cargo pants.

Wala sa batas na bawal lumaban agad. Pero namo-monitor kasi sila at pinanonood ng lahat sa labas. Malalaman kung may ginawa ba siya o wala.

Napakalamig ng hangin, naghahalo na ang hampas ng alon at ambon sa pagbasâ kay Max. May kuweba sa ibaba ng bangin, gaya ng inaasahan niya dahil sa pagtunaw ng tubig-dagat sa mga bato sa matagal na panahon.

Pagtingala niya sa bungad ng madilim na kuweba, nakakita na siya ng maliit na metal at kuminang ang gitna niyon. Alam na niyang may camera doon na pinanonood siya.

Kalmado niyang nilakad ang papasok ng kuweba nang matalisod.

"Aray—!" Bago pa siya matumba, naitukod na niya ang kaliwang palad sa buhangin. Biglang kumunot ang noo niya dahil ang tigas ng nahawakan niya. Lumuhod agad siya roon at hinalukay ang basang buhangin. Nakakita agad siya ng isang wooden crate. Halatang bago lang iyon dahil makinis pa ang metal hinge ng lock kaya nabuksan niya agad nang paluin iyon ng matulis na bato sa baybay.

May dalawang trench knife doon, nakaikot na fiber wire na hindi pa niya alam kung gaano kahaba, isang water jug na may laman, isang 15-meter cord, naka-ziplock bag na flashlight, at medicine kit.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Where stories live. Discover now