23rd Hunt: Bloodlust

4.4K 193 12
                                    

Sumikat na ang araw, at hindi nagugustuhan nina Armida ang nakikita mula sa malayo.

"Hindi sila agents," anunsyo ni Max. "Naka-uniform ang mga agent ng assoc."
  
"Then we'll gotta deal with them nicely," sagot ni Armida sa anak.

Kompara sa maulang kahapon, di-hamak na mas maaliwalas na sa paligid. Ang ganda ng bagsak ng sinag ng araw sa bawat puno. Kung wala lang silang kailangang labanan, iisipin nilang nasa isang magandang bakasyon sila, lalo pa't napakaganda ng tabing-dagat sa isla.

Pero kailangan nilang bantayan sina Jin at Jocas na hindi pa nagigising hanggang sa mga oras na iyon, at kailangang walang makakuha ng puwesto nila sa talon.

Maraming kalaban ang papalapit sa direksyon nila na nagpaseryoso sa mag-asawa.

"Tatawagin ko na ba si Aspasia?" tanong ni Josef.

"Hayaan mong bantayan niya sina Jocas." Sinulyapan niya si Max sa dulo ng mata. "Maximilian."

Tumayo nang diretso si Max sa isang malaking bato sa may talon. "Yes, Ma."

"Huwag mong hayaang makalapit sila rito sa talon. Snipe." Tumalon na mula sa mataas na kinatatayuan niya si Armida at sumunod sa kanya si Josef.

"Ma," pagpigil ni Max. Nag-aalala siya dahil buong araw na walang matinong tulog at pahinga ang mga magulang niya, lalo na ang mama niya.

"Hindi natin sila puwedeng hintayin dito," malakas na sinabi ni Armida.

Kilala ni Max ang ina, at alam niyang may kakayahan itong higit pa sa kaya niya. Pero diskumpyado siya sa lakas nito dahil wala itong gamot. Kung noon ngang hindi pa ito lumalaban at nasa bahay lang, nahihimatay na lang ito nang biglaan. Ngayon pa kayang buong araw itong walang pahinga.

"Armida, sigurado ka bang kaya mo pa?" Kahit si Josef, nag-aalala na rin, pero wala siyang ibang magawa kundi tulungan ang asawa.

"Wala tayong magagawa kundi kayanin."

Huminto sila sa malambot na lupa bago ang kakahuyan. Pinakikiramdam ni Armida ang paligid, higit sa dalampu ang nasa unang hilerang papalapit sa kanila.

"Gusto mong humiwalay?" tanong niya kay Josef.

Kinuha ni Josef ang isang trench knife na nakaipit sa holster sa may binti. "Mauuna na 'ko." Wala pang dalawang segundo, hindi na nararamdaman ni Armida ang presensya ng asawa niya.

Nilakad niya ang kaliwang direksyon nang dahan-dahan. Kinuha niya ang army knife na nakasilid sa likurang bahagi ng belt niya at itinutok sa bandang dibdib niya habang nakalahad ang kaliwang palad. Huminto siya nang paligiran ng limang lalaking armado at may nakatutok sa kanyang mga baril.

"Un ga ii (kung sinuswerte ka nga naman)," sabi ng isa na nakangisi pa.

Bang!

Gumilid lang si Armida at seryoso ulit na humarap sa kanila.

Bang!

Bang!

Umalingawngaw ang mga putok ng baril sa gubat. Dalawang hakbang paabante mula kay Armida at inilagan lang nang walang kahirap-hirap ang mga balang iyon.

Sumenyas ang isa na doon sa kanan pumuwesto para umatake. Ganoon din ang utos niya sa isa ngunit sa kaliwa naman.

Hindi kumilos si Armida, tutok lang ang tingin sa lalaking nag-uutos. Lalo pang lumapit sa kanya ang iba.

Nakarinig siya ng pagkalabit ng gatilyo at mabilis siyang yumukod. Ipinaikot niya sa kanang kamay kutsilyo at ibinaon sa sikmura ng lalaki sa kanan—ipinaikot iyon sa pinagbaunan at buong puwersang winakwak ang tiyan ng kalaban.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Where stories live. Discover now