16th Hunt: Star-Crossed Lovers

1.5K 104 26
                                    

Lalong lumalalim ang gabi, lalong lumalakas ang ulan. Mas malakas na pagbuhos ng tubig sa langit, mas malakas ang ingay sa talon. Bagay na ipinagpapasalamat ng grupo ng mga Numeros at Alphabetas dahil kahit pa magsigawan sila roon ay hindi sila naririnig sa labas. Si Razele at Mephist sana ang sunod na roronda sa area pagkatapos ng mag-asawa pero pinili na lang nina Smoker, Illyck, at Aspasia na humalili. Hindi nila sigurado kung kailangan ba ng matinding bantay o umiiwas sa nangyari sa tatlong kasama.

Pare-parehas silang nakatingin sa katawan nina Erah, Jin, at Jocas na halos labinlimang minuto na nilang tinititigan. Hindi pa rin kasi nagigising mula nang mawalan ng malay.

"Ang sabi ni Erah, nagkakaganyan sila kapag ginagamit nila ang katawan mo," paalala ni Razele kay Armida na nakapamaywang lang at iniisip kung ano ang gagawin sa tatlong alter niyang may katawan. Tumango siya. Iyon nga ang problema. Kung nahihimatay ang mga ito kapag ginagamit ang katawan niya at naroon siya sa katawan niya, nasaan ang tatlo?

"We can't leave them here like that," sabi ni Josef sa kanila. "It's too dangerous. For them and for the game."

"Wait," pagpigil ni Armida at nagtaas pa ng kaliwang hintuturo. "Mephist, you can call any of them, right? Do it."

Nag-angat ng mukha si Mephist na puno ng pagtatanong sa mga mata.

"Armida, delikado! Hindi ka na malakas ngayon," pag-awat ni Josef at hinawakan sa balikat ang asawa niya. Tinitigan niya ang seryosong mata nito at halatang hindi ito nagbibiro. "Please, no. Wala kang gamot dito."

Umiling si Armida. "Wala na rin tayong magagawa kahit pa may gamot ako ngayon. Josef, enough with the selfishness, at least for now."

"I'm not being selfish! Tatlo na silang nasa alanganing sitwasyon, dadagdag ka pa?"

Nagkapalitan ng makahulugang tingin ang ibang naroon. Hindi alam kung makikisawsaw ba dahil ayaw-mag-asawa iyon at masyadong personal kung gagatungan pa nila.

"We need them! You should know that better than anybody here!"

"Ma, Pa, enough!" Si Max na ang pumagitna sa mga magulang. "I'm not getting any of it, pero I'll agree with Papa."

"MAX?!" Si Max na ang naglayo kay Armida sa papa niya.

"Ma, kilala kita. You're the most reckless person I know aside kay Arjo."

"Sorry, but I'll side with Erajin," paggatong na ni Mephist sa usapan. Tumayo na siya at pumanig sa kanang gilid ni Armida at inawat si Max sa pagpigil. "Not that I want her to be in trouble again, but the thing is . . . we need to know what's happening."

Natahimik silang lahat. Nagtaas ng magkabilang kamay si Razele para sabihing hands off siya sa usapan dahil wala siyang magagawa sa kaso ng kahit sino sa kanila.

Ang sama ng tingin ni Josef kay Mephist. "Pinagkatiwalaan ka ng asawa ko para tulungan siya rito." Lalong humigpit ang pag-igting ng mga bagang ni Josef habang sinusukat ng tingin ang kausap.

"Kaya nga tinutulungan ko," maangas na sagot ni Mephist. "I know what I'm doing. And I won't let anything bad happen to her." Umabante siya nang isa para hamunin din si Josef. "Baka nakakalimutan mo. Noong panahong wala ka sa tabi ng mag-ina mo, ako ang nandoon kasama siya kasi wala ka."

"Enough!" pagpigil ni Armida dahil magkakasumbatan pa ng utang na loob. Gumitna na si Armida at inawat ang asawa niya at si Mephist. "Enough, okay? I want this case to be fix. Right here! Right now!" Itinuro niya sina Jin na nakahiga sa sahig ng kuwebang nilatagan lang ng malalaking dahon ng saging at niyog. "Kung mapapalabas ni Mephist kahit sino sa kanila, we'll get a chance to know what happened or what's happening to them. Hindi natin pwedeng paabutin 'to nang bukas. We're running out of time."

Hunting Project: ARJO (Book 8)Where stories live. Discover now