12th Hunt: The Isle's Nightmares

1.6K 97 35
                                    

Para sa mga agent ng associations, kapag nababanggit ang pangalang Isle, wala silang ibang naiisip kundi Escadron Elites. Ang grupo ng mga assassin na iyon ang huling grupong inilabas ng Isle bago bitayin si Madame Qi.

Iniisip pa lang nila ang koneksyon ni RYJO sa ibang detalye, nakikini-kinita na nila ang malinaw na dahilan ng pagkabitay sa lola ng kasalukuyang may-ari ng isla-si Li Xiao Ran.

Nagsabi lang ito na sa isla nito gaganapin ang laban. Binigyan naman sila ng mapa at coordinates. Matagal nang ipinasara ang Isle kaya makalipas ang apatnapung taon, muli iyong binuksan para sa isang Annual Elimination.

Nilalakad pa lang ni Josef ang mabuhanging daan patungo sa gitna ng isla, nagtitindigan na ang balahibo niya. Sa lagay na iyon, unang beses pa lang niyang nakatapak sa Isle mula nang alukin siyang makapasok doon.

"I remember Jocas used to take kids somewhere, tapos bumabalik siyang mag-isa," kuwento ni Erah sa kanila na parang fairytale ang binabanggit nito. "Para siyang yung pied piper sa Rats of Hamelin."

"And I remembered you being the quiet one since you're the eldest bitch among us," pambabara ni Jocas sa kanya.

"I won't be like this kung walang nangialam sa chamber nating dalawa," nakangising sinabi ni Erah saka tiningnan si Josef. "Di ba, Josef?"

Biglang kunot ng noo ni Josef dahil hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Erah. "What?"

"Tahimik ka yata. Welcome to the Isle!" masayang sinabi ni Erah na patalikod nang naglalakad habang nagpapa-guide sa paglakad kay Illyck. "At last, nakatapak ka rin dito."

Nagbuntonghininga lang si Josef at sinulyapan ang asawa niyang parang noon lang nakapunta sa lugar na iyon. nakatingala lang ito at nililibot ng tingin ang paligid. Nasa gubat sila pero hindi ganoon karami ang punongkahoy. Mas marami pa ang puno ng niyog na may bunga.

Walang bakasyon sa islang iyon, kaya nakontento na sila sa camouflage pants, trekking boots, cotton shirts. Ilang damit lang ang dala nila at tubig. May pagkain man pero klase ng pagkaing tatagal nang matagal na panahon at hindi na kailangang lutuin pa. Kung makakakita sila ng punong may bunga at ang mga nakikita nilang niyog, may pag-asa pa silang makatagal nang ilang araw habang umaandar ang laban.

"Milady!" malakas na pagtawag ni Erah sa kanya. "Masaya sana kung nandito si Daniel." Matapos sabihin iyon ay tumalikod na si Erah at inangkla ang braso sa braso ni Illyck.

Si Josef, gustong-gusto na talagang komprontahin si Erah dahil sobrang ingay nito at walang preno ang bibig. Talagang kahit ano ang pag-usapan nila, mapapasok at mapapasok nito ang pangalan ni Daniel sa topic.

"Don't mind her," pakunswelo na lang ni Jin na kasabay nila sa hilera. Napansin yatang naiirita na siya sa kapatid nito. "Noong nandito kasi kami dati, sila ni Daniel ang madalas mag-usap. It has nothing to do with your wife."

Bilib na talaga si Josef sa radar ni Jin. Pakiramdam niya, kaya nitong i-access ang utak nilang lahat na parang search engine.

Labinlimang minutong paglalakad at natanaw na nila ang isang camp sa gitna.

May malaking bahay roon, katabi ng dalawa pang mas maliit na bahay.

"Warehouse 'yan," pakilala ni Mephistopheles sa malaking bahay na gawa sa metal ang dingding at may malaking pinto. "Diyan nila nilalagay lahat ng bata bago magsimula yung roll call." Itinuro niya ang maliit na bahay sa kanan niyon. "Diyan yung quarters. Diyan kami natutulog dati." Itinuro niya ang kabila. "That's the mess hall. Nandiyan din ang office ni Sir A dati."

"Hahaha! Oh my god," pag-iingay na naman ni Erah. "I remembered Jin was bullied kasi never siyang napag-initan ni Sir A."

"She was controlling his mind, who wouldn't?" kontra agad ni Jocas.

Hunting Project: ARJO (Book 8)Where stories live. Discover now