19th Hunt: Rule Breakers

5.1K 207 30
                                    

Kung si Armida ang papipiliin, malamang na pipiliin niyang ubusin ang kahit kalahati ng bilang ng natitirang player sa iisang gabi lang. Pero siya lang ang may gusto niyon. Pinagtulungan siya ng apat na kasamang naghalo na ang pagod, gutom, lamig, at pag-asang makakalap ng balita sa labas mula kay Laby.

Halatang kabisado ni Ran ang isla, nakuha niya ang mga importanteng loot sa daan at nadala pa niya ang tatlo sa isang kuwebang natatakpan ng maraming halaman.

May kalitaan ang kuweba, halatang bagong uka lang gawa ng pagguho. May inipong maliliit na kahoy roon na gawa ng hayop sa gubat. At dahil naroon sila habang wala ang hayop na nakatira doon, malamang na patay na iyon o namatay bago pa sila makarating. Doon nagsisikan ang lima habang nasa gitna ng maliit na siga.

"This is all I can offer," sabi ni Ran nang isa-isa silang binigyan ng maliit na plastic na may lamang pagkain. Wala silang ideya kung ano iyon dahil mukhang tinapay pero hindi tinapay ang texture.

"We ate earlier," sagot ni Armida. "Maraming isda sa talon. We occupied the area. But thanks."

"I know," sagot ni Ran. "Nasa monitoring room lang kami kanina."

"Then why are you here?" tanong na ni Josef. "Sumali ba kayong dalawa?"

Napaikot ng mata si Ran. "I did, but her?" Itinuro niya si Laby gamit ang kaliwang hinlalaki. "She just went here for . . ." Nagbuntonghininga muna si Ran bago sumagot. "For some unknown reason."

Ibinaling nilang lahat ang tingin kay Laby na himas-himas lang ang noo at halatang nabuburyong sa usapan nila.

"I really wonder about that unknown reason, Catherine," seryosong sinabi ni Armida.

Nagbuntonghininga lang si Laby at inugoy-ugoy ang sarili mula sa inuupuang maliit na bato. "Gusto ko lang makita nang live ang laban," aniya sabay ngiti nang pilit.

"Isa ka sa pinakamagaling na sinungaling na nakilala ko, Laby," sabad ni Josef. "But that reason could top all your list of worst lie given to us."

Ang rahas na ng buntonghininga ni Laby dahil doon. Napakamot siya ng ulo at napangiwi.

"Every time you do that, alam ko nang nasa alanganin sitwasyon ka," sabi ni Armida. "And when I say alanganin, that means you're on your point of no return."

"Yeah, I'm fucked up," mabilis na sagot ni Laby sa kanila nang may kompiyansa na. "Matagal naman na, but I just paved my way to hell faster than a speeding bullet."

"Kaya nga tinatanong namin kung bakit ka nandito?" naiinis nang tanong ni Armida.

"She said she went here to save me," si Ran na ang sumagot sa tanong.

Napaurong lang paatras sa kinauupuan si Armida sa narinig. Sinubukan namang huwag ngumiti ni Josef dahil doon. Si Max ang talagang nagulat sa sinabi ni Ran pero hindi naman nagsalita.

"Hahahaha!" Ang lutong ng tawa ni Armida nang maka-recover sa narinig. Ang lakas pa ng halakhak niya nang bahagyang lumiyad habang hawak ang tiyan—hindi inalintana kung maririnig ba siya sa labas ng kuweba o hindi.

"Stop laughing! They're gonna find us here!" reklamo sa kanya ni Laby. "Kapag talaga sinugod tayo rito ng mga kalaban, ewan ko na lang sa 'yo."

Saglit na tumigil sa pagtawa si Armida ngunit nakangisi pa rin. "Let me remind you, Laby, kami yung kalaban dito." Inilipat niya ang tingin kay Ran. "Akala ko, pumunta rito para sa mas mahalagang pakay. Ikaw lang pala."

"Don't flatter my heart, ma'am," nakangiting sinabi ni Ran habang nakalapat ang palad sa dibdib. "Handa ka talagang mamatay kapag mahal mo ang isang tao."

Hunting Project: ARJO (Book 8)Where stories live. Discover now