Page 24 : LATE TALE

276 37 0
                                    

NAPAUBO SI SAMER. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at tuluyan nang napabangon. Ramdam niya ang sakit ng kanyang katawan mula sa mga nabaling buto at sugat.

Pinilit niyang tumayo sa kabila ng sakit, ng lamig, ng pangamba.

Bago pa man sumabog ang buong kuweba ay naitulak na siya ni Ashton palabas, dahilan upang makatakbo siya palayo.

Pero dahil sa lakas ng pagsabog ay nahagip pa rin siya ng impact, na naging sanhi nang kanyang pagtilapon palayo.

Bigla niyang naalala ang utos sa kanya ni Ashton. Kailangan niyang puntahan ang kanilang ship at agad na ilayo si Time.

Biglang nabuhayan ang kanyang sestima nang maalala niya si Time. Kung makukuha ito ng Central Army ay tuluyan na nilang makukompleto ang Ultimate Weapon.

Na siyang hindi dapat mangyari.

Pinakiramdaman niya ang kanyang binti at laking pagpapasalamat niya na mukhang ayos pa naman ang mga iyon.

Napahinga siya nang malalim at mabilis na tinunton ang daan pabalik sa ship.

Ilang minuto lang ay nasa harap na siya nito. Pero bigla siyang nagtaka nang makita niyang nakalutang na ito sa ere.

"HEY!" sigaw niya.

Mukhang narinig naman siya ng mga naroroon dahil tumigil ang paglipad nito paitaas.

Bumukas ang entrance ni Pane at tumambad sa kanya ang isang babae. Pero hindi roon napako ang tingin ni Samer, kundi sa isang bulto na hawak nito ngayon.

Si Eurice.

Halatang wala na itong malay.

Hindi agad naproseso ng utak niya ang nasaksihan. Tuluyan nang nakapasok ang Central Army sa ship nila. Hawak na nila ngayon si Time.

"Put her down!" bulyaw ni Samer sa babae ngunit napatawa lang ito.

Unti-unti nang bumalik sa paglutang ang ship kaya hindi niya maiwasang kabahan.

"Okay," sagot ng babae at marahas na itinapon ang katawan ni Eurice pababa.

"Shit!"

Hindi alam ni Samer kung ano na ang gagawin. Sa taas ng Estever ay siguradong wasak na ang katawan ni Eurice oras na lumapaag ito sa paanan.

Sa gitna ng kanyang pagkaligalig, naramdaman na lang niya ang kanyang mga paa na mabilis na tinunton ang pababa ng Estever.

Napatakbo siya nang sobrang bilis. Hindi na niya ininda ang sakit at lamig. Nakatuon lang ang tingin niya sa babaeng mabilis na bumubulusok pababa.

Bigla siyang natisod kaya napagulong siya sa niyebe at napahiyaw nang mabagok siya ng bato.

Pero agad din siyang tumayo na tila ba walang nangyari. Tumakbo na naman siya ulit. Walang humpay ang pag-agos ng luha sa kanyang pisngi.

"I can't...be late...this time," paulit-ulit niyang sumbat sa kanyang sarili. "Not again."

Bigla siyang nakaramdam ng pananakit sa kanya buong binti.

Napamura siya nang may pumasok sa kanyang isipan. He is about to shift.

Bakit ngayon pa?

Mabilis na nanghina ang kanyang mga talukap. Napapikit siya nang bahagya at napaluhod.

Pero nang maalala niya ang katawan ni Eurice na malapit nang tumama sa paanan ng bundok ay bigla siyang nabuhayan ulit.

Kumalat ang init sa kanyang katawan na tila ba nilalabanan hindi lamang ang lamig ng lugar, kundi pati na rin ang kadiliman na lumulukob sa kanya.

Reversal Page DriftWhere stories live. Discover now