Page 1 : THE START

1K 65 3
                                    

PAGOD NA NAPASANDAL si Austrid sa isang lumang bench na nasa gilid ng daan. Napakagat-labi siya upang pigilan ang pagdaloy ng kirot sa kanyang sestima dulot ng mga sugat at galos sa iba't ibang parte ng kanyang katawan.

Naliligo siya hindi lang sa pawis, kundi pati na rin sa kanyang sariwang dugo. Sa loob ng sampung taon niyang pagtatrabaho bilang isang assassin ay ngayon lang siya nakatamo ng ganoong pinsala. Ngayon lang siya napuruhan.

Nasaan na ba kasi si Ace? Tanong niya sa kanyang sarili kasabay ng pamimilipit niya dahil sa kirot ng hiwa niya sa noo. Napatingala siya sa matirik na araw at napamura siya nang nagsisimula nang manlabo ang kanan niyang mata. Nasugatan kasi ito at alam niyang malubha ang pinsala nito. She can even feel the pain pulsating from there.

Ilang minuto pang pagtitiis at sa wakas ay pumarada na ang kotse na kanina niya pa hinihintay. Agad na lumabas ang isang lalaki at napamura nang makita ang estado ni Austrid.

"After 100 years, nakarating ka rin, Ace." Puno ng sarcasm ang boses ng dalaga kaya napaismid si Ace. Wala siyang sinayang na oras at agad ding inalalayan si Austrid papasok sa kanyang kotse.

"Hindi maganda ang bungad sa'yo ng Desyembre," may halong panunudyo na komento ni Ace habang nasa biyahe sila. He was really shocked, because for the first time, he saw the almighty Austrid at mess like this.

"Baka hindi mo na mabungaran ang bukas...oras na mapatay kita ngayon mismo," ganti naman ni Austrid na halatang pinipilit indahin ang sakit.

"Not now though, cuz I'm driving."

MARAHANG HUMIGA SI Austrid sa isang hospital bed. Dinala siya agad sa pribadong medical facility ng kanyang agency na pinagtatrabahuan. Isang agency na aktibo sa black market. Because she was one of the agency's best assets, ipinaasikaso siya agad sa tatlong magagaling nilang doktor.

"Mabubulag ba ako?" walang emosyon na tanong niya kay Dr. Senz na isang optical surgeon.

"I'm confident with my skill, Austrid. Hindi ka mabubulag," nakangiti nitong sagot upang mabigyan ng kasiguruhan ang dalaga. Ngunit hindi lang siya kinibo nito at napatango na lang.

"We will start the operation," pahayag ng doktor kaya nagsikilos na rin ang kaniyang mga kasamahan.

"Anong petsa na ngayon?" biglang tanong ni Austrid na nagpataka sa mga kasama niya sa silid. Bakit nagtatanong ito ng petsa? Bukod sa magsisimula na ang operasyon, ano pa ang meron?

"December 13, 2020," napasagot na lang ang isang nurse. Napatango lang si Austrid at bahagyang napangiti. Naalala niya kasi na bukas na pala ang birthday ng yumao niyang ina. Ang pinakamamahal niyang ina na agad ding binawi sa kanya. Pinatay ito sa kanyang harapan mismo. Kaya simula noon, itinatak na niya sa kanyang sarili na ipaghihiganti niya ang sinapit ng kanyang ina. Pinasok niya ang masalimuot na mundong ito at pinaikot ang buhay niya sa karahasan at patayan.

Iyan ang buhay ng isang Austrid Cruzilios.

Chaotic. Dangerous. Deadly.

"Okay. I will inject the tranquilizer already. Makararamdam ka ng panghihina, but it's normal," pag-iimporma ni Dr. Senz na tinanguan lang ni Austrid.

Pero bago pa man maiturok ni Dr. Senz ang syringe ay biglang nanigas ang katawan nito.

"What's wrong?!" singhal ni Austrid nang mapansing nakatayo lang ang doktor at tila hindi makakilos. Kinabahan naman siya dahil baka magkaroon pa ng medical malpractice dulot ng estadong pinapakita ngayon ng doktor.

Napabangon si Austrid at agad na pumutok ang pagtataka sa kanyang isipan. Hindi lang si Dr. Senz ang napatigil at na-estatwa sa kinatatayuan. Maging ang dalawa pang doktor at tatlong nurse na kasama nila.

Anong nangyayari? Pakulo ba ito ng mga doktor? Napakunot lang ng noo si Austrid dahil wala siyang panahong makipagbiruan. Kailangan nang matuloy ang operasyon sa kanyang kanang mata.

She tried to grab Dr. Senz' hand but she gasped, as terror immediately rose inside her.

Biglang nagsilabasan ang sariwang dugo sa mga butas ng katawan ni Dr. Senz. Sa mata, ilong, taenga, at bibig. Namilog ang mata ni Austrid at agad na napaalis sa kama sabay tangal sa benda sa kaliwa niyang mata. Ginamot na kasi ito kanina lang, at tanging ang kanan lang ang kailangan ng masusing operasyon.

Holy shit! Pagsusumigaw ng kanyang isipan nang makita niyang natulad din ang kalagayan ng iba pa kay Dr. Senz. Nagsilabasan ang dugo sa mga katawan nila at tuluyang natumba sa sahig na wala nang buhay.

"What the hell is happening?" She already freaked out because she had no idea at all. She cursed several times to ease the tension she felt.

Aligaga siyang nagpabalikbalik sa paglalakad bago niya maisipang lumabas ng silid.

Pero agad din siyang napasandal sa pader nang ang tumambad sa kanya ay ang pasilyo na puno rin ng nakahandusay na mga tao. The floor was flooded with their sticky blood.

The people she met along the way earlier...were all dead.

She run, without a specific destination in mind. She just wanted to run, from here, from this. And for her every step, questions started to build up in her mind.

What's really happening?

Are we being attacked by the enemies?

Is this...a dream?

But she knew that it wasn't.

That was real. That was freaking real. She saw dead bodies in every corner of that building. At alam niyang totoo iyon, dahil humahalo na sa ere ang masangsang na amoy ng dugo, dahilan upang mapatakip siya ng ilong.

Siya lang ang tanging buhay sa floor na iyon.

Napatigil siya bigla sa harap ng malaking glass wall. Tanaw mula rito ang kapaligiran sa labas. Ngunit hindi roon napako ang tingin niya. Kundi sa kalangitan.

Sa kalangitan na unti-unting dumidilim dahil sa pagbulusok ng mga naglalakihang asteroids, meteors, meteorites.

And in a snap, she screamed when she felt an excruciating pain in her both eyes. Para na itong tinutusok ng napakaraming karayom.

Napasigaw siya nang mas malakas at tuluyang napaluhod. Kumalat ang alon ng sakit sa kanyang sestima, hanggang sa malunod siya nito.

Suddenly, she stopped.

The surrounding stopped.

The noise stopped.

Her heartbeat stopped.

And that's when she was devoured by total darkness, therefore not witnessing how it all started.

Reversal Page DriftWhere stories live. Discover now