Page 34 : ALLY OR ENEMY

259 31 0
                                    

FEAR INVADED AUSTRID'S system. Her heartbeat stopped for a second, only to pound even faster later on. Her hands were trembling.

"The f-future?" she stammered. That was not a dream, but a vision, of what's ahead.

Suddenly, they heard a loud explosion coming from the outside. Muli na namang yumanig ang loob ng ship nang mahagip ito ng impact.

That's when Austrid's consciousness came back to the current event. She tried to get hold of her composure, her mind.

"W-what was that?" narinig niyang tanong ni Vigos na ngayon ay nakahandusay na rin sa sahig.

Napatayo agad si Austrid at inalalayan ang dalawang magkapatid.

Napatingin siya kay Noam na nakatayo na rin ngayon. May hawak itong itim na controller at salubong ang kilay habang may pinipindot doon.

"What the hell?!" gulat na sambit ni Austrid matapos niyang suyurin ang paligid.

Nakita niyang napapalibutan na sila ngayon ng mga naglalakihang robot na gawa ni Noam. Ang dating pulang ilaw na mga mata nito ay asul na ngayon.

"I changed the command system of the robots," Noam grinned. "They are now following my orders."

Austrid gasped.

Napatingin ito kay Vigos nang hindi ito agad nakabangon at bahagyang namilipit habang hawak ang mukha.

"Hey, anong nangyayari sa kanya?"

Bakit namimilipit sa sakit ang makapangyarihan na si Vigos?

"It's because of Void," si Lucuxt ang sumagot, "he can't still handle the fragment of his wisdom."

Naguluhan siya sa sagot nito pero minabuti niyang hindi na lang muna magtanong pa. Nasa gitna sila ngayon ng isang digmaan.

"Ano na ang gagawin natin?" takang tanong ni Austrid. "Delikadong manatili rito ang lalaking iyan dahil baka pasabugin niya ang buong ship!"

Napatango si Noam.

Namilog ang mga mata ni Austrid nang may makita siyang nagsidatingang ship. Biglang umaliwalas ang kanyang mukha. Napatayo siya nang maayos dahil unti-unting nanumbalik ang lakas ng kanyang mga tuhod.

"Great!" sigaw nito. Napatingin sa kangya si Noam na may pagtataka.

"What's... great?" naguguluhang tanong ni Noam.

Austrid smiled. "They are here...our friends just arrived."

AGAD NA NAGSILABASAN ng ship ang grupo ng Agapane sa pamumuno ni Ashton.

Nang malaman nilang nagsimula nang umatake si Vigos ay dali-dali silang pumanhik sa Centralium. Pero mukhang huli na sila dahil nakaalis na ang buong hukbo ng Central Army.

"Let's raid the place!" sigaw ni Ashton. "Much better if we immediately see...our friends."

Napatango lang sila at nagsimula nang kumilos. Sumunod naman sa kanila ang grupong Sphinx at ganoon din ang ginawa.

"I can hear them," usal ni Eurice nang may masagap siyang pamilyar na boses. "Austrid and Noam...they're talking."

Agad na tinunton ni Eurice ang pinagmulan ng kanilang mga boses. Mas binilisan niya pa ang pagmamaneho ng AirMot kaya napasunod na rin sa kanya ang iba.

Ilang sandali lang ay nakita na niya si Pane na nakalutang sa di-kalayuan.

"What are those?!" bulyaw ni Antara sa mga robot na nakapalibot sa ship nila.

"Bad news, I guess" komento ni Samer at agad na lumipad palapit kay Eurice.

Nang wala naman silang natanggap na panganib mula sa mga ito ay dumiretso lang sila nang paglipad hanggang sa marating nila ang entrance ni Pane.

Agad silang pumasok at nagbabangayang eksena ang naabutan nila.

"Why would we trust you, dumbass?!" bulyaw ni Austrid.

"I'm not asking you to trust me! Ang gusto ko lang na gawin ninyo ay itapon sa labas si Vigos dahil oras na magising siya ay baka pasabugin niya tayong lahat!" sigaw ni Galaktus. "We must lock him up in a place with no escape...although I still don't know if there's a place that could hold a man like him."

Nauna na pala itong nakapasok sa ship. Nasa tabi nito si Page na halatang may iniindang sakit. Napulot niya ito kanina sa baba.

Ashton cleared his throat, breaking the tension from both sides.

"Guys," napatigil sila nang sumingit na si Ashton, "Galaktus is...an ally."

Napasinghap si Austrid. "Did I hear it right? An admiral is our ally?! What do you mean by that?"

"It's a long story," wika ni Antara, "pero sundin na lang muna natin ang sinasabi niya. Mas alam niya ang lugar na ito."

Wala na silang nagawa nang akayin na ni Galaktus ang lupaypay na katawan ni Vigos. Ginamit niya ang kanyang kakayahan at iginapos niya ito sa nagbabagang bakal. Agad din silang lumabas ng ship.

Nang maiwan ang buong grupo ng Agapane kasama ang tatlong magkakapatid ay automatikong nilukob ng katahimikan ang paligid.

Bumigat ang atmospera.

"How about you?" Napatingin si Ashton kay Noam. "Are you an ally? Or an enemy?"

They gasped.

They didn't expect that Ashton would say something so straightforward. They had witnessed how strong their friendship was, so they're not used to seeing them like that.

Napakamot si Austrid sa kanyang noo. "Maybe you should know that--"

"I'm not asking you," Ashton instantly cut her off. "I'm asking Noam. You're not his spokesperson, as far as I can remember."

Napalunok na lang ng laway si Austrid at nanahimik. Tinabihan siya ni Eurice na agad namang kinausap nang tahimik si Time.

Hindi maiwasang mapatingin ni Austrid sa mga kasamahan niya. Halata ang pagbabago sa kanilang anyo. Maging ang mga tindig nila ay matitikas na rin. Hindi na sila tulad nang dati na madaling makitaan ng takot. Kahit nga si Eurice ay mukhang napakahanda nang makipagbakbakan.

The whole team of Agapane became an alpha.

Austrid wondered what could've happened within the past week. She had no idea.

Noam sighed.

"I am an...ally...always. I'm a member of Agapane until my very last breath."

That line reverberated not only inside the ship, but in themselves as well. Napahinga sila nang maluwag na para bang nabunutan ng tinik.

Agad na napalapit si Samer ay Noam at tinapik ang balikat nito. "What's with the dark circles, dude?" pagpuna nito sa eyebags ni Noam.

Si Antara at Afnir ay tinanguan lang si Noam. Si Ashton ay nakatitig lang sa kanya at agad ding umiwas ng tingin.

Ayaw man niyang ipakita, alam nilang lahat na ito ang pinakanagagalak sa muling pagbabalik ni Noam sa kanilang grupo.

"Sabi ko na nga ba! Noam will never betray the team!" Eurice exclaimed. "I mean, it's unthinkable, right? He's our Noam." She giggled.

"Holy motherdear!" Austrid shrieked. "Vigos just gained his consciousness."

They gasped. They instantly alerted and positioned themselves.

"Everyone!" rinig nila mula sa speaker ng ship. "Prepare yourselves! Vigos is doing a rampage!"

"Who's that?" agad na tanong ni Austrid.

"Samson...our another ally."

Nakita ni Austrid na tumilapon si Galaktus palayo matapos itong atakehin ni Vigos. Salubong na ang kilay nito at halata ang galit sa kanyang mukha. Napangisi ito na parang halimaw at agad na nilapitan ang napakalaking robot sa gilid niya sabay hawak sa bakal na binti nito.

Austrid gasped.

And in a snap, they were bombarded with the loudest explosion they ever heard.

Reversal Page DriftDär berättelser lever. Upptäck nu