Page 11 : THE RUMBEDA TRIANGLE

388 48 3
                                    

MABILIS NA UMALIS ang ship ng grupong Agapane sa lugar bago pa tuluyang magsidatingan ang hukbo mula sa Central Army.

Tahimik lang ang lahat at walang may balak magsalita habang binabaybay nila ang malawak na karagatan.

"And what is that this time?" hiyaw ni Samer nang biglang napatigil ang ship.

Napasinghap sila nang bigla silang bumulusok ulit pailalim ng karagatan.

"Noam? Akala ko ba ihihinto muna natin ang misyon?" takang tanong ni Austrid.

"Yeah!" sigaw ni Noam. "Ngunit may malakas na puwersang humihigop sa atin pailalim!"

Napatayo sila bigla. Kinabahan sila sa sinabi ni Noam. Pinagana nila agad ang kanilang mga kakayahan.

"Afnir, bantayan mo muna ang dalawa," utos ni Samer. Napatango lang si Afnir at umalis na.

"This is a freaking bad news!" bulyaw ni Eurice. "Pane can't resist the unknown force that is currently dragging us to nowhere."

Napahilamos si Samer. "Ano bang meron sa lugar na ito?! Masyado na tayong inaabala nito!"

Nakatayo lang si Austrid, gulat at nagtataka. Malaya niyang nakikita ang paligid sa ilalim ng dagat kahit pa mabilis silang bumulusok pababa.

"Guys!" pagpukaw niya sa lahat. "Bumabalik tayo sa dinaan natin kanina."

"Papunta tayo ulit sa San Maria."

They gasped.

Noam tried to steer the ship but to no avail. They were dragged by an unknown force that originated at the bottom of San Maria, and they can do nothing to resist the attraction.

Hindi nila maiwasang kabahan, lalo pa't naka-hibernate ngayon ang main system ni Pane dahil sa atakeng ginawa kanina. At aabot pa ito nang tatlong araw bago tuluyang makabalik.

Hindi maiwasang mapamura ni Noam dahil kahit anong gawin niya ay wala itong saysay. Patuloy lang sila sa pagsisid pailalim, pabilis nang pabilis.

Napahilot si Austrid sa kanyang sentido. "Shit! Nandito na naman tayo sa lugar kung saan hindi gumagana ang aking ability."

"This is absurd!"

Then, the ship suddenly stopped.

Walang may nagsalita sa kanila. Walang may kumurap. Naghihintay sila sa susunod pang mangyayari.

"Tapos na ba?" tanong ni Samer na ngayon ay nakakapit sa pole ng ship.

"Wala akong makita sa labas. Hindi pa rin gumagana ang clairvoyance ko."

Napasinghap sila nang maramdaman nilang yumugyog ang buong ship na tila ba lumilindol. Ramdam din nila ang paghambalos ng sea current sa kanilang ship.

Napamura si Noam sa nakikita sa screen. He also played it to the main hall for the others to see.

They gasped.

Unti-unting nabibitak ang malalaking bato na nasa kanilang paligid. Ang mga nakatirang hayop sa paligid ay sapilitang nagsilikas.

There is one thing evident : danger.

Matapos ang ilang sandali ay biglang tumigil ang pagyanig. Ang magulong paligid ay bumalik sa tahimik nitong anyo.

"I'm already regretting why we came to this place!"

"What's t-that?" gulantang na tanong ni Austrid habang nakaturo sa malaking screen.

Kitang-kita nila ang unti-unting pagguhit ng nagliliwanag na linya sa paligid nila. Kulay ginto ito na mas lalong tumitingkad dahil sa dilim ng lugar.

Reversal Page DriftWhere stories live. Discover now