Page 12 : FAREWELL OF TIME

361 43 3
                                    

ASHTON SLOWLY OPENED his eyes. He was welcomed by a very familiar ceiling he usually woke up to every morning.

He sighed.

He knew that something changed in him as he opened his eyes. But, he couldn't feel anything peculiar at all. There's no hint of change in his body.

Is this how second generation really felt like?

Parang wala lang?

Bumangon na siya, at doon niya pa lang napagtanto na hindi lang siya nag-iisa sa quarter na ito.

Sa katabing kama ay naroroon din si Antara. Nakatulala ito at halatang mabigat ang iniisip. Tulad niya ay kagigising lang nito mula sa shifting phase.

Napatikhim si Ashton kaya biglang napatingin si Antara sa kanyang gawi. Tuluyan nang bumalik sa reyalidad ang lumilipad niyang isipan.

"How are you feeling?" Si Ashton na ang unang nagsalita dahil alam niyang hindi naman magsasalita si Antara.

"I...I'm alive," wala sa sariling sagot nito. "Thank you...for letting me live."

Naguluhan si Ashton sa mga sinabi ni Antara, ngunit napawi ito nang  tuluyan na itong tumayo.

"Bakit kaya kailangan pa nating maalala ang pangyayari noong natamaan tayo ng Lucuxt?" tanong nito. Bakas ang pait sa kanyang boses.

Bigla na naman tuloy naalala ni Ashton ang nangyari noon. Ang alaalang bumalik sa kanyang memorya.

Napabuntong-hininga siya.

"Maybe...to remind us what kind of persons we were, and the kind of lives we had," sagot niya at napatayo na rin.

Napangiti ito ng mapait.

Lumabas na si Antara kaya sumunod na lang si Ashton.

Nakabukas ngayon ang metal frame ni Pane kay kitang-kita nila mula sa glass wall ang paligid sa labas. Hindi nila maiwasang mamangha sa ganda ng tanawin.

Napakaaliwalas at puno ng buhay.

"Nasaan na sila?" tanong ni Antara.

Wala silang ideya kung ano na ang nangyari pagkatapos nilang mahimatay. Nakuha ba nila ang Ultimate Weapon o hindi? Nakaahon ba sila ng ligtas?

Itinuro ni Ashton ang nakabukas na entrance door. Agad din nila itong pinuntahan at tuluyan nang lumabas ng ship.

Bahagya pa silang napatigil nang makatapak na sila sa damuhan. Parang gumaan bigla ang kanilang pakiramdam. At nang mapatingin sa itaas, walang mga ulap o araw man lang.

"Saang lugar ito?" takang tanong ni Ashton.

Nakarinig sila nang ingay mula sa kabila ng mga nagtataasang talahib, kaya marahan nila itong tinahak.

Pinagana ni Ashton ang kanyang kakayahan, ngunit namutla siya nang hindi niya magawang espada ang kanyang kamay.

Napatigil siya, puno ng pagtataka.

"Cap? Whoah! Guys, gising na sila!" napatingin sila kay Samer na biglang lumabas mula sa talahiban.

Dinaluhan naman sila ng iba pa nilang kasamahan. Napahinga nang maluwag si Ashton nang makita niyang kompleto pa sila.

"Bakit hindi gumagana ang metamorphosis ko?!" gulantang na tanong niya.

Napangisi sila.

"Same goes with us," sagot ni Noam. "We're in a different kind of place."

"And what is this place?" direktang tanong ni Antara.

Napasinghap sila nang may biglang lumitaw sa kanilang harapan. Isang maliit na lalaki, mas maliit pa kay Austrid na pinakamaliit sa grupo.

Reversal Page DriftWhere stories live. Discover now