Page 18 : WORTH LIVING AND DYING FOR

319 41 1
                                    

MAINGAY NGAYON ANG main hall ni Pane. Nagkakasiyahan ang buong grupo. Napapatawa sila dahil hindi tinatantanan ni Time ang pangugulit kay Antara.

"Tumigil ka na nga, bubwit!" singhal ni Antara at marahas na pinalayo si Time sa kanya.

"I told you! Mas matanda pa ako sa'yo! Sa inyong lahat!" bulyaw naman ni Time at napakamot pa ng ulo.

Wala itong nagawa kundi ang bumalik na lang sa upoan at kumain kasama si Samer.

"Ang sarap!" komento nito sa chips na kinakain.

Everything is new to him. He was like a baby who has just seen the outside world for the first time.

Ano 'to?

Pagkain ba 'to?

How should I use this?

Why is it blinking?

He would ask about anything from time to time. Si Eurice lang ang may tiyaga na sagutin ito.

Isang linggo rin ang iginugol nila upang tuluyan nilang mabawi ang hourglass mula sa Crucifix, pero hindi nila inaasahang si Time na pala mismo ang mapupunta sa kanila.

NAPATINGIN SI AUSTRID sa malawak na kalangitan. Nakatago ngayon ang buwan at tanging mga bituin lang ang makikita. Hinayaan niyang tangayin ng hangin ang hibla ng kanyang buhok.

Somehow, that kind of calm refreshed her soul.

Napakagulo na ngayon ng mundo. Bihira lang sila makahanap ng ganoong klaseng katahimikan, kaya nilalasap na nila ito na para bang ito na ang huli.

Napalingon siya sa kanyang gilid nang may tumabi sa kanya.

Napalunok siya ng laway nang malaman niyang si Ashton pala ito.

"Bakit ka nandito? Nakukulitan ka ba kay Time?" panimula nitong tanong.

Napailing si Austrid. "Nope. Actually, I can understand him because we're somehow alike." Napangisi siya. "Nagising lang din ako tapos itong mundo na ang bumungad sa akin."

Napatango si Ashton at inubos ang alak na nasa lata. Nilukot niya ito at ibinato nang malayo.

"Naiisip mo ba, na paano kaya kung hindi nangyari ang lahat ng ito?"

Napaisip si Austrid. Ano nga ba ang mga buhay nila kung hindi nanalasa ang Lucuxt?

Will they still meet each other?

Or, there's no chance of it?

They will just continue their own lives and wouldn't even know about each other's existence.

"I don't know," sagot ni Austrid. "Future is an uncertain place. And, honestly, in my case, hindi na ako nag-expect noon na mabubuhay ako nang matagal." Napangiti siya nang mapait.

Napatingin sa kanya si Ashton nang taimtim.

"How does it feel to be an assassin?"

Nagkibit-balikat si Austrid. "It depends kung anong klaseng tao ka. Your perspective will see things in different ways. Pero sa akin, wala lang, para bang normal na lang sa akin 'yon. Evil, right?"

Napabuntong-hininga lang si Ashton.

"How about you? I heard you were a knight."

Napatawa nang bahagya si Ashton.

"Yeah, I was." Napangiti ito nang mapakla. "A not-so-good type of knight though. I was fond of throwing disappointments to my father, to the kingdom, to everyone."

Reversal Page DriftWhere stories live. Discover now