#25: Magic Words

Magsimula sa umpisa
                                    

“Hindi, okay lang. Nasanay naman na ako, pasensya ka na sa naging outburst ko ah? Medyo di ko na kasi kinakaya” nahihiyang sabi ko nung tumingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. He smiled at me and held my hand tighter.

“It’s okay,” he paused and touched my hair. “We’re a married couple, we are one so it’s better if we’re open to each other” mahinang sabi niya at ibinalik sa akin yung form.

Muli na namang tumibok ang puso ko dahil sa sinabi niya. Hanggang medyo nakakapanibago pa rin talaga yung malamang asawa niya ako parang hindi ko pa ma-take hanggang ngayon. Iba kasi talaga kapag naiisip ko na si Jared Montello ang asawa ko.

“Sumali ka na, Gail. I’m going to support you” nakangiting sabi niya dahilan para magbalik ako sa katinuan. I suddenly feel so overwhelmed by the way he said it.

“Pero paano ang mga magulang ko? Paniguradong magagalit sila sa akin?” malungkot na tanong ko. Kumunot naman ang noo niya habang pinagmamasdan ako.

“But if that what makes you happy then they should let you. Anak ka nila, baby at maiintindihan ka nila” malumanay na sabi niya sa akin. Napatango naman ako at bahagyang ngumiti sa kanya.

“Salamat” tipid na sagot.  

“Sumali ka na, kung papagalitan ka nila andito ako, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila okay? Huwag mo na munang isipin ang magiging reaction nila” paninigurado niya  sa akin.

Pinagmasdan ko siya at nakita ko kung gaano ka-sincere yung mukha niya, palihim akong napangiti dahil doon. He’s really an ideal guy, siya yung tipong papangarapin ng lahat. He’s a supportive and loving husband to me. Nakaka-guilty tuloy dahil hindi ko man lang masuklian ang mga binibigay niya akin. Pakiramdam ko ang worthless ko talaga.

“Salamat talaga Jared, salamat talaga” masiglang sabi ko sa kanya. Ngumiti na naman siya sa akin at marahan akong hinapit palapit sa kanya at niyakap. Napasinghap naman ako sa ginawa niya pero hindi na ako pumalag at dinama na lang ang yakap niya.

“Anything for my wife” he softly whispered to me. I smiled and rested my head on his shoulder as I hugged him back.

If there’s one thing that I realized while being with him this past days is that… I already fall for him. Mahal ko na si Jared, natatakot lang akong aminin iyon sa sarili ko dahil sa mga doubts ko tungkol sa kanya at sa mga nangyayari sa buhay ko.

Natatakot lang akong tanggapin na mahal ko na siya dahil pakiramdam ko ay malayong-malayo siya sa akin. Mahal niya ako pero para bang ang hirap paniwalaan. Mahal niya ako pero kung titingnan ng iba ay imposible. How can an almost perfect guy like him fall for a worthless college student like me? Langit siya, lupa ako. Madalas ang mga kagaya ko ay tinatanaw na lang ang mga tulad niya.

But then he’s here hugging me right now, telling me he really loves me so much. 

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon