#39: Layuan Mo

3.1K 88 6
                                    

Kabanata 39

Layuan Mo

-Saerin Gail's POV-

"Uy ang blooming natin ngayon ah?" bati sa akin ni Asha pagkapasok ko ng classroom. Tumingin ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Hindi ko alam kung anong pinagsasabi ng babaeng 'to. Stress na nga ako dahil sa bukod sa nahihirapan akong maghabol sa mga na-miss ko sa school, malapit na rin mag-finals tapos hindi pa ako nakakahabol sa mga lessons.

"Adik ka, stress na nga ako eh."

"Hindi halata ah!" tumawa siya at may inabot sa akin na notebook at envelope. "By the way, hayan yung notes sa mga lessons na namiss mo. Nagprint na rin kami ng handouts para may reviewer ka. Para di ka na mastress."

Malawak naman akong napangiti. "Thank you! Na-miss kita!"

"Baliw! Pasalamat ka mahal na mahal ka ng mga prof natin dahil pinagbibigyan ka nila." aniya.

Doon ko lang na-realize na sobrang dami palang nangyari this term. Ilang beses akong um-absent at napagtanto ko na ako rin pala ang may kasalanan sa mga nangyari kung bakit kailangan mangyari iyon.

"Kaya nga eh. Mag-aaral talaga akong mabuti para makakuha ng mataas na scores sa finals." bahagya akong ngumiti.

"Oo! Mapaturo ka sa asawa mo na sobrang talino!" tumawa siya.

Naramdaman ko yung sobrang pagod dahil sa dami ng ginawa ko sa araw na 'to. Hindi ko na rin nasagot yung mga tawag at text ni Jared sa akin. Bago kami umuwi ay dumaan muna kami sa office ni Sheena. Pinapatawag niya kasi ako.

"Ang tagal mong nawala ah?" bati niya sa akin. Bahagya akong ngumiti at napayuko. "Okay lang. Naiintindihan naman namin."

Tumingin ako sa kanya at may inabot siya sa akin na folder. Nagdadalawang-isip naman akon kinuha ito.

"Ano 'to?" I asked. She just smiled at me.

"We will publish our school magazine next school year. Nagkaroon tayo ng meeting last week pero wala ka. I already assigned tasks for every members and that is your topic for your article, Gail. I'm expecting a lot from you, Gail." seryosong saad niya. Napatango na lang ako at tinignan yung folder at binuksan.

"I'm expecting not on the way you will write the article but on the content. Dahil kung meron mang nakakakilala sa kanya, ikaw yun Gail." ngumiti siya.

Nagulat ako ng makita ko ang pictures ni Jared. Si Jared ang topic ng article na gagawin ko.

"You have two months to do that article and the other articles assigned to you. I believe in your capability, Gail." muli na naman siyang ngumiti sa akin.

I've been dreaming to write an article for our school ever since I entered college. That's why I will do my best to create an article that will create an impact to the readers. Nandito naman talaga ang gusto ko.

Gusto kong maintindihan nila kung sino talaga si Jared Montello. Ang Jared na nakakasama ko at hindi iyong Jared na nakikita nila. I'll make sure of it.

"Sige! Gagawin ko ang best ko!" ngumiti na rin ako.

"Hayan! Balitaan mo na lang kami ha?" aniya. Marahan naman akong tumango at ibinalik ang tingin ko dun sa folder.

"Sige. Thank you!" I smiled.

Pagkalabas ko ng opisina ay napasandal ako sa may pinto at napabuntong hininga. Napatingin ako sa folder na hawak ko sandali itong pinagmasdan. Para akong kinakabahan sa gagawin ko. Can I make it? I'm sure many people will read the article because it's about Jared but can I meet their expectations? I don't know.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now