#27: Hindi Bagay

4K 118 7
                                    

Kabanata 27: Hindi Bagay

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Kanina pa nagsimula yung program ng event na ‘to at tulad ng mga event sa school na merong maraming speakers na nagsasalita sa stage ay boring na ang ‘party’ na ‘to para sa akin. Puro speech lang naman ang nangyayari so far at puro ‘business’ ang naririnig ko. Ewan. Buti na lang din at masasarap yung pagkaing sineserve nila kaya naman nagkakaroon ako ng ganang pakinggan ang mga sinasabi nila.

“You want to go home?” tanong ni Jared na nasa tabi ko pa rin at nakikinig sa mga sinasabi ng mga speaker na nagsalita.

Madalas ko ngang naririnig yung pangalan niya sa mga speeches nung ibang nagsalita. No doubt na talagang maipagmamalaki ang lalaking ‘to sa tabi ko. Ang awkward naman tuloy na isang tulad ko lang ang kasama niya.

“Hindi, okay lang ako” I simply said. Tumango naman siya at muling ibinalik ang tingin doon sa stage samantalang ako naman ay muling bumalik sa pagkain.

“Just tell me if you want to go home, okay?” malumanay na sabi niya sa akin. Sinulyapan ko naman siya at marahang tumango. He smiled at me and put his right arm around my shoulder.

 

“Bonjour Monsieur Montello!” a French businessman greeted Jared. Umupo ito sa bakanteng silya sa tabi ni Jared at tumingin sa kanya tapos ay sinulyapan ako ng tingin. Pilit naman akong ngumiti doon kay Kuya French.

“Bonjour Monsieur Sylvestre. Ça va?” sabi ni Jared at nakipagkamay siya doon kay Mr. Sylvestre, yun kasi yung naintindihan ko sa sinabi ni Jared.

“Je vais bien, merci! Et toi?” he asked him while smiling.

Gusto ko na sanang huwag na lang silang tignan pero baka mabastos ko naman sila. Pero kasi wala talaga akong maintindihan sa mga sinasabi nila. Feeling ko kapag tumagal dudugo na yung ilong ko dahil sa kanilang dalawa.

May alam naman ako sa French pero sobrang limited lang. Yung mga basic lang.

“Je vais bien aussi. Merci! Avez vous beaucoup travaille dernierement?” Jared asked again.

Ayoko na nga makinig sa usapan nila.

“Oui, je suis occupe” aniya at muli na naman akong sinulyapan ng lalaki. “Comment elle s’appelle?” baling niya kay Jared.

Nilingon naman ako ni Jared at binigyan ako ng isang makahulugang ngiti. He looked at the guy again and smiled at him.

Wala talaga akong maintindihan sa sinasabi nila eh.

“Elle s’appelle Saerin Gail, ma femme” sabi ni Jared doon kay Mr. Sylvestre. Mukha namang nagulat siya pero agad din niya itong binawi at ngumiti sa akin.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now