#4: The Beast

7.5K 170 4
                                    

Ikaapat na Kabanata: The Beast

“Ang yaman mo naman talaga ano Darryl, namamangha ako sa ganda ng bahay niyo dito! Parang nakakaguilty naman kung tutuloy ako dito,tara uwi na lang tayo”

Hindi nila alam na ilang metro mula sa kinatatayuan nila ay may isang lalaking nagmamasid sa ka kanila. Nasa loob ito ng isang mamahaling itim na sasakyan na nakatigil sa tapat bahay na katabi ng bahay ni Darryl. Nakatingin lang siya sa babaeng naging dahilan kung bakit ang lalaking tulad niya na habulin ng mga babae ay nanatiling single for almost three years, ang buong atensyon niya ay nakatuon lang kay Saerin Gail Dela Cruz, his soon to be wife.

“Tara na sa loob!”

Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela nung makita niyang hawakan nung lalaki ang kamay ng pinakamamahal niya. ‘Sht!’ bulalas niya sa isipan niya. He’s jealous, so much jealous pero ano ba namang karapatan niyang magselos, hindi naman siya boyfriend at hindi naman siya kilala ni Gail… hindi pa pala siya kilala ng dalaga. Sa tatlong taong nagdaan, nanatili lang siya sa likod ni Gail, minamasdan siya lagi mula sa malayo, binabantayan siya ng hindi niya alam. He’s like a stalker but since he’s drop dead gorgeous, he should be called as an admirer, a control freak admirer. Nag-igting ang panga niya habang sinusundan ng tingin ang dalaga kasama ang kaibigan niya na alam niyang may gusto dito. At ang masaklap pa, magkahawak sila ng kamay. Naiinis siya kasi hindi niya magawang alisin ang lalaki sa buhay nito.

Nung nawala na sila sa kanyang paningin ay napabuntong hininga na lamang siya at sumandal, he closed his eyes and took a deep breath. He already sacrificed a lot para sa dumating ang araw na makikilala na siya nito, ang tagal na niyang nag-aantay na muling mapansin ni Gail ang existence niya sa mundong ito. For the past three years, si Gail na ang mundo niya and now he badly wants himself to be his girl’s world. For him unfair kung siya lang ang nagmamahal, he wants her to fall for him too as much as he do. At ngayon pa lang magsisimula yun, ngayon palang niya nakikita ang epekto ng mga ginawa niya sa loob ng tatlong taon. He’s still willing to wait, kahit habangbuhay pa basta alam niyang siya at natatanging siya lang ang babagsakan ni Gail.  

*Ririring*

He suddenly opened his eyes when his phone rings, he immediately took it from his pocket and answer it.

“Yes Tito?” he asked in a calm tone, it’s his fiancé’s father.

[Jared? Nawawala ang anak ko, I don’t know where she is!]

Napagtanto niyang hindi ang ama ang kausap niya kundi ang ina nito, umiiyak ito sa kabilang linya.

“Alam ko po,” he said while looking at the house where Gail is currently staying in. “Don’t worry, hahanapin ko po siya”

[It’s our fault kung bakit siya naglayas, please tulungan mo kami, baka mapano ang anak ko! Ahhhh! Kailangan natin siyang mahanap agad!]

Bumuntong hininga siya habang naririnig niya pa rin sa kabilang linya ang pag-iyak ng ina ni Gail at ang pag-aalo ng asawa sa kanya.

“Wag na po kayong mag-alala Tita, I’m going to make sure that she’s okay, sa ngayon hayaan niyo na lang po muna siya, ako na po ang bahala sa kanya. Please calm yourself. I know your daughter doesn’t want you to cry like this Tita”

[Please help us Jared]

“Yes, tutulungan ko po kayo”

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon