#42: Tayong Dalawa

2.8K 79 3
                                    

Kabanata 42

Tayong Dalawa


-Saerin Gail's POV-

"Hayy sa wakas! Tapos na! Bakasyon na!" masiglang sabi ni Asha pagkalabas namin ng classroom. Tumingin naman ako sa kanya at nakita ko na nakangiti siyang nakatingin sa akin.

"Ano?" tanong ko ng maramdaman kong may kakaiba sa tingin niya.

"Gala tayo? Tara! Tapos naman na ang exams natin eh." aniya habang nagmamakaawa siyang nakatingin sa akin.

Naging abala ako sa pag-aaral ko para sa final exams ko para sa linggong ito. Sa loob ng isang linggo ay nawala ang komunikasyon sa pagitan namin ni Jared. Hindi man lang siya tumawag o nag-text man lang. Alam ko naman na heto yung gusto kong mangyari, kaya nga ako lumayo sa kanya.

But I can't.

Gusto ko siyang tawagan o kausapin man lang pero hindi ko kaya. I promise that I will help him no matter what. At kung ang paglayo ko sa kanya sa ngayon ang makakatulong sa kanya. Kaya ko naman sigurong tiisin lahat, kahit na natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Para kay Jared...

"Hindi pa lumalabas yung grades natin. Uwi na lang muna tayo?" sabi ko sa kanya.

"Ang KJ mo naman!" singhal niya. "Dali na, Gail! Hindi ka na pinagbabawalan ng mga magulang mo oh? Wala ring asawang magbabantay sa'yo. Sulitin mo na!" aniya at bahagya niyang inalog iyong braso ko.

"Basta libre mo?" tumingin ako sa kanya at ngumisi.

"Okay! Call!" ngumiwi siya. Tumawa naman ako.

Dito kami napunta sa isang mall na malayo na halos sa university. Ngayon lang ulit ako nakagala ng ganito. Kaya naman sinulit ko na rin, namili na rin ako ng bagong mga damit at kung ano pa. Binigyan kasi ako nila Mama ng allowance.

"Ano kinausap mo na si Jared?" tanong sa akin ni Asha.

Napatigil ako sa pagtingin ng mga damit at sinulyapan siya. Tumigil din siya at tumingin sa akin. Binitawan niya yung damit na hawak niya at lumapit sa akin.

"Gail, alam mo mahal na mahal ka ni Jared. Pero pwede ring dumating yung oras na mapapagod siya..." seryoso niyang saad. "Stop being so selfless. Baka sa kakaganyan mo mawala siya sa'yo. Ano naman kung may sakit siya? Ano naman kung may Sai siya? Hindi naman yun yung kasama niya ngayon, ikaw naman. Ikaw naman yung legal na asawa."

"Hindi naman kasi ganun-" nahinto ako nung magsalita siya ulit.

"Wait..." tumingin siya sa akin ng seryoso. "Sai? Saerin Gail? Parang ang lapit naman ng pangalan ng first love niya sa pangalan mo. Ang creepy. Tsaka kung namatay sa harapan niya yung first love niya at naaksidente ka nung bata ka... hindi kaya ikaw yung first love niya?"

Bahagya ko siyang hinampas sa balikat at sinimangutan. "Namatay yung first love niya, naaksidente ako. Magkaiba yun. Tumigil ka nga, pati ako kinikilabutan eh."

"Malay mo reincarnation something?" tumaas ang kilay niya. "Baka ikaw na siya para matuloy yung love story nila ni Jared."

"'Wag ka ngang nagpapaniwala sa ganyan. Itigil mo na magbasa ng mga ganyang kwento. Tsaka kilabutan ka nga diyan." umirap ako at lumayo na sa kanya.

"Baliw naman to si Gail," lumapit siya sa akin. "Joke lang naman. Nagselos naman kaagad si ateng." pang-aasar niya.

"Hindi ako nagseselos pwede ba? Tsaka itigil mo na yan, baka mamaya katabi mo na pala siya eh." pananakot ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Tumawa naman ako.

Beauty and the BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon