#33: Surrender

4.8K 137 33
                                    

Hello! Pa-extra muna, hehe. Gusto niya ba ng dedication dito sa BatB? Share your thoughts about the story so far at kung ano ang ineexpect niyo sa mga susunod. Gusto ko lang malaman. Hehe. Thank you guys! :)

***

Kabanata 33: Surrender

 

-Saerin Gail’s POV-

 

“A-anong gagawin mo?” punong-puno ng takot na tanong ko sa kanya. Malamig niya lang akong tinignan dahilan para lalo pa akong natakot.

Papatayin niya ba ako? Sasaktan niya ba ako?

“The pain won’t take too long” aniya kaya lalo akong nakaramdam ng takot.

Napalakas ang pag-iyak ko nung hawakan niya yung kamay ko at ilapit sa kanya. Pinilit kong kumalas sa pagkakahawak niya kahit na nanghihina na ako pero masyado siyang malakas kaya napaiyak na lang ako nung unti-unti niyang nilapit sa kamay ko yung kutsilyong hawak niya.

“Huwag, please, huwag!” I cried as I closed my eyes.

“Gail?” a very familiar voice called me. “Gail, wake up”

Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga ko. Hingal na hingal ako at para bang nanlalamig. Tinignan ko yung sarili ko kung napano ba ako pero wala naman akong sugat o kahit ano. Pero sobrang natatakot pa rin ako ngayon.

“Gail? Anong nangyayari sa’yo?” nag-aalalang tanong ng taong nasa tabi ko. Napatingin ako sa kanya at halos mapaatras ako ng makita ko si Jared na sobrang nag-aalalang nakatingin sa akin.

“A-anong nangyari?” nanghihinang tanong ko. “Ba-bakit?”

Ano bang nangyari?

Iginala ko yung tingin ko sa buong lugar. Madilim na sa labas at nakahiga na rin ako sa kama. Andito pa rin ako sa kwarto ni Jared, pilit kong inalala yung mga nangyari kanina. Ang alam ko nakita ko yung recorder, nalaman ko yung nangyari kay Jared noon tapos…

“Nakita kitang walang malay diyan sa sahig pagdating ko dito sa bahay. Nung nilapitan kita, inaapoy ka na sa lagnat. Sana pala hindi na kita iniwan dito mag-isa. Why didn’t you tell me that you’re sick?” sunod-sunod na sabi niya.

Nagkasakit pala ako? Pakiramdam ko ay dahil iyon sa sobrang takot na naramdaman ko kanina.

Lumapit siya sa akin at inilagay niya yung kamay niya sa noo ko. Napatingin ako sa kanya at biglang bumalik sa isip ko yung mga narinig ko kanina. And again, fear dominates my whole being again. Pakiramdam ko ay nagsimula na namang manginig ang buong pagkatao ko sa mga sandaling ito. Pero bakit may kakaiba pa rin akong nararamdaman?

“You’re shaking, ayos ka lang ba?” aniya at hinapit niya ako palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. I suddenly started to cry and hugged him back. “Gail?” he called me. “May problema ka ba?” he asked. I shook my head and hugged him tighter.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now