#6: Reality

6.5K 185 5
                                    

Hey! Thank you po sa mga nagbabasa nito! Don't forget to share your thoughts! :) Highly appreciated po ang mga iyon. Salamat :) 

***

Ika-anim na Kabanata: Reality

 

-Saerin Gail’s POV-

 

Kasalukuyan akong naka-upo sa veranda ngayon habang nag-aaral nung mga sinend nila Asha at Darryl na mga modules saken. At sa totoo lang, wala akong maintindihan! Tokwa ano bang malay ko dito sa mga equations na nasa screen ko ngayon, wala naman akong dalang libro. Feeling ko mahihirapan akong makahabol neto! Apat na araw na akong nandito at talaga namang nabobored na ako. Nakakapagod din palang gumawa ng wala. Nakakapagod magpaka-grade conscious kahit wala naman akong natutunan, gusto ko na tuloy umuwi!

Parang bigla kong naisip kung tama ba talaga tong ginawa kong pag-alis. Pagbabumalik ako dun ngayon may mangyayari na? Sulit ba ang ginawa kong paglayas? Napunta na naman sa kasalukuyang atensyon ko ang pag-iisip ko. I was trying to distract myself from thinking too much but in the end I found myself thinking about my problem. Hindi ko na ata talaga ito matatakasan.

Kahit alam kong wala naman akong matutunan ay inaral ko pa rin yung mga nakasulat sa modules at nag-notes na rin. Habang nag-aaral ako ay bigla akong napatingin sa kabilang bahay, yung bahay nila Jerome. Nakita ko kasi si Jerome na nilalaro si Potchie samantalang si Ethan naman ay nakaupo sa may bench at busy sa laptop niya. At sigurado, tungkol sa business yung inaasikaso niya. Nasa second floor kasi ako kaya natatanaw ko sila.

I sighed at ibinaling na lang ulit yung atensyon ko sa notebook ko.

“OYYYY GAIL!” bigla akong napatingin sa kabilang bahay nung sumigaw si Jerome, nakatingin sila pareho ni Ethan sa akin habang nakangiti. Napakunot naman yung noo ko at nilinga pa ang paligid para tignan kung may nakarinig sa kanya tapos ay ibinalik ko yung tingin ko sa kanila.

“Uuwi na kami ng Manila mamaya, baka gusto mong mag-lunch ulit kasama namin?! Darating yung kuya ko, siya raw magluluto!” masiglang sigaw ni Jerome habang nakangiting tumatango si Ethan. Pagkarinig ko nung “Darating yung kuya ko, siya raw magluluto!” parang bumilis yung tibok ng puso ko, para akong kinabahan na ewan.

“Hope you enjoy my house Ms. Dela Cruz, hope to meet you soon… Good night”

Naalala ko na naman yun! Fudge!

Umiling ako, siempre ayokong pumunta dun, ayokong makita yung Kuya nun ni Jerome, tsaka di ko naman kasi sila kaclose.

“No thanks, ingat na lang kayo!” sigaw ko pabalik. Naisip ko tuloy na bumaba na lang sana ako kesa nagsisigawan kami rito.

“Aww Gail! Lagi mo na lang kaming tinatanggihan! Sige na last na to o! Tsaka baka patayin kami nung may-ari kapag di ka namin napapayag!” napakunot naman yung noo ko sa sinabi ni Kuya Ethan. OA naman neto! Although yes, lagi ko nga silang tinatanggihan, hindi naman kasi ako komportable.

“Okay lang talaga! Tsaka busy ako ngayon eh!” pagdadahilan ko. Yeah right, I’m busy doing nothing.

May sinasabi pa sila pero nadivert na yung atensyon ko sa phone ko na nag-ring, nakita ko yung pangalan ni Asha kaya parang nagtatatalon yung diwa ko sa saya. Kinuha ko agad yung phone at sinagot ito tsaka tumayo at pumasok sa loob. Namiss ko rin tong babaeng to eh!

“Asha! Namiss kita sobra!!!” salubong ko sa kanya, ang saya ko talaga ngayon kase tinawagan niya ako! I just realized na kulang talaga ang araw ko kapag walang maingay. They are already part of my everyday life… si Asha, Darryl at ang iba pa naming mga kaibigan!

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now