#44: Anything

2.6K 87 9
                                    

Kabanata 44

Anything

-Saerin Gail's POV-

I'm Jared's first love. Ako si Sai.

Ako ang dahilan kung bakit nagkaka-ganito si Jared. Ako ang dahilan kung bakit ganito ang sitwasyon naming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I'm so afraid right now. Natatakot ako sa magiging reaksyon ni Jared kapag nalaman niya na buhay pa ang babaeng dahilan ng paghihirap niya ngayon.

Mabilis akong umiling at kaagad na pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata ko. I took a deep breath to refrain myself from crying. Marahan akong umupo sa gilid ng kama ko. Para akong nanghihina sa mga sandaling ito pero hindi dapat. Kailangan kong magpakatatag.

Unti-unti kong inangat yung hawak kong pregnancy test para kumpirmahin kung tama nga yung nakita ko kanina.

Dalawang linya.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa. Hindi ko ma-organisa ang mga nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Masaya ako pero nag-aalala ako sa mga pwedeng mangyari. Hindi pa maayos ang sitwasyon namin ni Jared ngayon. At ngayon nalaman ko pa na ako ang puno't dulo ng lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Buntis ako.

I slowly placed my hand on my stomach. Bahagya akong ngumiti at marahang hinaplos ang tiyan ko. Kahit ano pa ang nangyayari ngayon, ang anak namin ni Jared ang dapat na priority ko. Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari at hindi siya dapat madamay doon.

"Uhm," sandali akong tumigil at huminga ng malalim. "Hi, baby..." yumuko ako. "Nandito ka talaga? You listened to your father very well. He just wished for you on his birthday but now you're already here."

Nag-angat ako ng tingin ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Mabilis kong inilagay sa drawer yung hawak ko at pinunasan ang mukha ko na may bahid ng luha. Tumayo ako at naglakad palapit sa pinto.

"Bakit po-" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita ko si Jared pagkabukas ko ng pinto. Nagulat naman ako at muling bumilis ang tibok ng puso ko. "A-anong ginagawa mo dito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

He smiled slightly as he walked towards me and hugged me. Napakurap ako sa ginawa niya at bahagyang kumunot ang noo ko.

"Bakit?" I softly asked. Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya.

"Nagkagulo sa opisina kanina. It's my fault though." pagod na wika niya.

Humiwalay ako at tumingin sa kanya. "Jared, anong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"I withdraw our partnership from Alice's family. I cancelled everything including the project that we're doing right now. They are mad at me right now." aniya at pilit na ngumiti. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Jared..."

Marahan siyang umiling at hinawakan ang kamay ko. "No one and nothing can separate me from you. Hindi sila ang magdidikta ng kung sino ang para sa akin. At lalong wala silang karapatan na paglayuin tayong dalawa."

Naguluhan ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

He just smiled at me meaningfully. "Ayaw mo ba akong papasukin sa kwarto mo? You're mother told me that you're not locking your door pero bakit naka-lock?" kunot- noong tanong niya sa akin at humakbang papasok sa kwarto ko.

"Ha? Ano... uhm, baka di ko lang napansin." pagdadahilan ko.

I intentionally locked my door because I was crying. And I'm also doing the test that's why I'm afraid that someone might interrupt me.

Beauty and the BeastWhere stories live. Discover now